^

PSN Showbiz

Katsipang tsismis kina Dawn at Bamboo sinagot ng aktres

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sinagot at idinenay ng kampo ni Dawn Zulueta ang tsismis na half-brother niya ang singer na si Bamboo Mañalac. Sa totoo lang, katsipan ang isyu. Kung ako ang nasa lugar ni Dawn, hindi ko papatulan ang isyu na walang katotohanan at gawa-gawa ng mga tsismosa na happiness na ang mang-intriga ng kapwa.

Ginaya na lang sana ni Dawn si Charlene Gonzales na dinedma ang tsismis na may problema sa pagsasama nila ni Aga Muhlach. Hindi pinatulan ni Charlene ang isyu as in totally dedma siya. Positive ang resulta ng ginawa ni Charlene dahil kusang namatay ang tsismis at napahiya ang mga imbentor.
Matagal ko nang kakilala si Dawn. Naging co-host pa namin siya sa Startalk at ni minsan, hindi napag-usapan na may koneksyon siya kay Bamboo. Katsipan talaga ang isyu.

Dating uhugin lang, Miguel grabe na kung tilian ng fans

May name na ang former Starstruck Kids runner-up na si Miguel Tanfelix dahil kasama na siya sa mga artista ng GMA 7 na hinihiling na isali sa mga show ng GMA Pinoy TV. Malaki talaga ang naitulong kay Miguel ng Niño na lalong tumataas ang ratings dahil nagugustuhan ng televiewers ang kuwento ng primetime drama series ng GMA 7.

Parang kailan lang, bagets na bagets pa si Miguel. Ngayon, binata na siya at tinitilian ng fans.

Tom sasagutin na ni Carla?!

Malapit na akong maniwala na nagkakamabutihan na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Nang sumali si Tom sa Philpop 2014, nanood si Carla bilang suporta sa kanya. Sinabi ni Carla na nagpunta siya sa Meralco Theater bilang suporta sa Philpop pero ang totoo, si Tom ang dahilan ng panonood niya.

Bumawi kay Carla si Tom dahil dumalo ito sa red carpet premiere ng Somebody to Love noong August 19 bilang suporta rin sa leading lady niya sa My Destiny.

Kinilig ang fans ng dalawa dahil sa pag-amin ni Tom na nililigawan niya si Carla. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng relasyon ang dalawa dahil sa madalas na pagsasama nila sa tapings ng My Destiny.
Sa October 1 ang 27th birthday ni Tom. Malay natin, baka sagutin siya ni Carla sa kanyang kaarawan sa October.

LT aliw na aliw sa tunay na pangalan ni Tom

Gustung-gusto ni Lorna Tolentino na katrabaho si Tom dahil napakabait at magalang nito. Nakita ni LT ang kagandahang loob ni Tom sa set ng My Destiny. Aliw na aliw si LT sa tunay na pangalan ni Tom, ang Bartolomé Tomas Alberto Mott. Rodriguez ang ginamit na screen name ni Tom dahil ‘yon ang maiden name ng kanyang madir.

Pagpapabinyag uli ni Marian parang magulo

Narinig ko ang balita na magpapabinyag uli si Marian Rivera dahil hindi kinikilala rito sa bansa natin ang binyag sa kanya sa Spain. May mga nagtatanong kung bakit kailangan uli na magpabinyag si Marian eh bininyagan na siya noon sa isang Catholic Church sa Spain?

Nangangahulugan ba ‘yon na kapag ikinasal ka sa isang Catholic Church sa Spain, hindi ito kikilalanin sa Pilipinas dahil sa ibang bansa ka ikinasal?

May punto ang nagtatanong pero hindi ko alam ang isasagot dahil hindi naman ako expert sa batas ng Catholic Church. Basta ang alam ko, willing si Marian na magpabinyag kung ‘yon ang ipinatutupad na batas ng mga Simbahang Katoliko sa Pilipinas.

 

vuukle comment

CARLA

CATHOLIC CHURCH

DAHIL

MIGUEL

MY DESTINY

SIYA

TOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with