^

PSN Showbiz

Sharon kailangan daw pumayat para makagawa ng pelikula

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ok naman pala si Megastar Sharon Cuneta matapos niyang aminin sa kanyang Facebook account na dumaranas siya ng mid-life crisis dahil sa nangyari sa kanyang career, pagiging mataba, at kung anu-ano pa. Kahapon ay may update siya at sinabi niyang tapos na siya sa kanyang pinagdaraanan pero nasa lowest points pa rin siya sa kanyang buhay at career lalo na nga’t hindi siya visible ngayon. Pero may gagawin daw naman siya na malapit na malapit na.

Right project lang sa TV5 ang kailangan ni Mega para makabalik sa dati ang level of energy ng career.  Saka malamang kaya rin nade-depress si Mega dahil hanggang ngayon ay walang nangyayari sa sinasabing pelikula niya with Richard Gomez and with Aga Muhlach. ‘Yun pang sinasabing movie with Gabby Concepcion. Kasi nga raw ang requirement para matuloy ang pelikula nila ay kailangan niyang pumayat.

Marian mahigpit ang yakap kay Mother Lily

Star studded ang 75th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde last Tuesday night. Hindi lang mga artista, marami-rami ring politicians ang nagpakita ng pagmamahal kay Mother na nagwi-wish na sana ay 50 years younger siya.

Nanguna ang original Movie Queen na si Tita Susan Roces sa mga bisita.

Mahigpit naman ang yakap ni Marian Rivera kay Mother na common knowledge na nagkaroon ng minor issue nang hindi gawin ni Marian ang movie na pang MMFF last year. “May tampuhan man tayo, alam ko mahal mo ako,” sabi ni Marian habang nakayakap sa Regal matriarch na enjoy na enjoy at nagparinig pa sa pagpa-piano.

Matagal-tagal ding nag-stay si Marian sa party at gandang-ganda sa kanya si QC Vice Mayor Joy Belmonte dahil napakasimple raw nito pero lutang ang ganda.

Dumating din ang da­ting manager ni Marian na si Popoy Caritativo. Pero medyo late na ‘yun kaya hindi na sila nag-abot. Kasama ni Popoy si Dennis Trillo. Wala namang sagot si Popoy nang kinukulit na namin siya kung makikipagkasal siya kina Marian at Dingdong Dantes sa December 30. Panay lang ang inom nito ng tubig.

Humabol sa party ang mga artista ng Somebody to Love na showing na sa mga sinehan pagkagaling sa premiere night – sina Iza Calzado, Carla Abellana, Matteo Guidicelli, Ella Cruz, Kiray Celis, at iba pang kasama sa pelikula. Ang pelikulang ito ang birthday presentation ni Mother.

Kasama pa sa mga pulitikong nakisaya sina Sen. Bam Aquino, Sen. Sonny Angara, Sen. Grace Poe, Red Cross Chairman Richard Gordon. Andun din sina Manay Ichu Maceda, Kuya Germs Moreno, Ms. Korina Sanchez, Dra. Vicki Belo with Dr. Hayden Kho at maraming-marami pang iba na pumuno sa bagong 38 Valencia.

Happy birthday Mother Lily.

Lyca sasabak sa serye ni Piolo

Pagkatapos ng kanyang unang pagsabak sa television  drama sa pamamagitan ng episode ng Maalaala Mo Kaya, isang bagong proyekto na ang nakalinya para sa  The Voice Kids grand champion na si Lyca Gairanod ngayong sasali na siya sa fa­mily drama na  Hawak Kamay bilang guest.

Sisimulan na ni Lyca ang taping para sa Hawak Kamay ngayong Biyernes (Agosto 22) na, kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual at ang mga top child stars ng bansa na sina Zaijian Jaranilla, Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Yesha Camile, at ang pinakabagong miyembro na si JK Labajo na naging top-runner din kasama ni Lyca sa The Voice Kids.

Dahil sa kanyang husay sa pag-arte sa MMK, natulak ni Lyca ang nationwide ratings ng programa sa 38.4%.

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANDREA BRILLANTES

BAM AQUINO

CARLA ABELLANA

HAWAK KAMAY

LYCA

MOTHER LILY

SIYA

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with