^

PSN Showbiz

Young actor kumpirmadong dyutay, ibinida ng aktres na ex nang malasing

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kadaldalan kapag nalalasing ang isang young female personality. Dumudulas ang kanyang dila, namamantikaan ang kanyang nguso, tuluy-tuloy ang kanyang pagmo-monologue kapag nasasayaran na ng inuming nakapagpapakapal ng mukha ang kanyang lalamunan.

Sa isang pakikipag-inuman ng batang aktres ay napakasama ng kanyang loob. Isinumbong niya ‘yun sa alkohol, ang dati niyang kapasidad sa pag-inom ay natriple, kaya pagkadulas-dulas na ng kanyang dila habang lumalalim ang gabi.

Litanya siya nang litanya. Daldal siya nang daldal, ang tinutukoy niya sa bitbit niyang sobrang sakit ng damdamin ay ang young actor na basta na lang nakipaghiwalay sa kanya nang walang malinaw na dahilan kung bakit, minumura-mura pa niya ang young actor.

Pero parang biglang nawala ang kalasingan ng kanyang mga kaibigan nang sunud-sunod niyang isigaw ang isang litanya, nawindang ang mga ito, may rebelasyon ang kanilang kaibigan.

“Hayup ka! Demonyo ka talaga! Bakit mo ginawa sa akin ang ganito? Tiniis ko ang lahat-lahat, ibinigay ko ang lahat sa iyo! Ang yabang-yabang mo, you’re so selfish!

“Bakit mo ako ginanito, samantalang wala ka namang maipagmamalaki! Ang liit-liit ng *!#%$/@ mo! Kung makaasta ka ngayon, parang you’re so gifted, e, nakakaawa ka nga dahil sobrang liit talaga ng *!#%$/@ mo!” litanya ng batang aktres.

Ang drama ay naging komedya tuloy nang humagalpak nang pagkalakas-lakas ang mga kaibigan niya tungkol sa narinig nilang rebelasyon.

Totoo raw palang super-duty free (read: maliit) lang ang sandata ng guwapo pa namang young actor dahil mismong ang babaeng nakarelasyon na nito ang nagbunyag ng ebidensiya.

Ha! Ha! Ha! Ha! Ubossssssss!!!!!!!!

Sen. Grace nagsalita na sa pagiging ‘Marcos’

Hindi namin binitiwan ang pagtutok sa panayam ng Hindi namin binitiwan ang pagtutok sa panayam ng news anchor-musikero-manunulat-alagad ng sining na si Lourd de Veyra kay Senador Grace Poe-Llamanzares kahapon ng umaga sa programa nila ni Martin Andanar at Grace Lee sa TV5.

Hinati sa dalawang bahagi ang panayam sa senadora sa AKSYON Sa Umaga, napapanahon ang interbyu dahil sa paggunita sa kaarawan ng namayapang Hari Ng Aksiyon na si Fernando Poe, Jr., masustansiya ang kanilang pagkukuwentuhan ni Lourd de Veyra.

Isa sa mga kuwentong nilagyan na ng tuldok kahapon nang umaga ay ang napakatagal nang istoryang umiikot tungkol sa pagkatao ni Senador Grace Poe.

Anak daw siya ng dating aktres na si Rosemarie Sonora sa dating Pangulong Ferdinand Marcos. Dahil sa nasabing kuwento ay lumalabas ngayon na kapatid niya sa ama si Senador Bongbong Marcos at kapatid niya naman sa ina sina Wowie, Sheryl, at Patrick.

Sabi ng karespe-respetong mambabatas, “Totoo namang adopted ako, pero there’s no truth to that. Ginagawa ko na nga lang biro ‘yun, hindi ako apektado, kaya nu’ng unang magkita kami ni Senador Bongbong, sabi ko sa kanya, ‘Hi, bro!’

“Ang sabi niya naman, ‘Hi, sis!’ Hindi totoo ‘yung kuwentong ‘yun,” nakangiting komento ng masustansiyang kausap na senadora.

Dalawang beses na naming nakapanayam si Senador Grace Poe, markado para sa amin ang pagiging sinsero niya at totoo, ang katulad niya ang kailangang-kailangan ngayon sa isang pamayanang matagal nang nangangawit ang leeg sa kahihintay sa tunay na pagbabago.

vuukle comment

BAKIT

FERDINAND MARCOS

FERNANDO POE

GRACE LEE

GRACE POE-LLAMANZARES

NANG

NIYA

SENADOR GRACE POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with