^

PSN Showbiz

Imelda Marcos star na star sa party ni Mother Lily

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Parang si dating First Lady Imelda Marcos ang may birthday dahil siya ang nilalapitan ng mga bisita ni Mother Lily para sa photo op. Siyempre, hindi ko ipinalampas ang pagkakataon dahil nagpakuha rin ako ng litrato na kasama si Mama Imelda at ang tunay na may kaarawan, si Mother Lily.

Si Mama Imelda ang isa sa mga guest ni Mother sa birthday party nito na ginanap sa events place ng Regal Films noong Martes.

Tinalbugan ako ni Mama Imelda dahil halos magkasunod kami na dumating pero nag-stay siya sa birthday party ni Mother.

Marami sa mga bisita ni Mother ang na-late dahil sa overacting na trapik na epekto ng malakas na buhos ng ulan.

May mga nanggaling sa Maynila na nagdusa sa kalsada ng tatlong oras dahil hindi gumagalaw ang mga sasakyan.

Mabuti na lang, malapit sa mga pinuntahan ko noong Martes ang venue ng party ni Mother or else, baka hindi ako tumuloy.

Naabutan ko pa ang pagdating ng bonggang flower arrangement na padala ni P-Noy kay Mother na sinaway ako nang marinig ang aking komento.

Hindi ko rin nakita si Gemma Cruz-Araneta, ang ex-beauty queen na kaklase ni Mother Lily sa Maryknoll. Bilib na bilib kay Mama Gemma ang mga bisita dahil walang-wala sa hitsura niya na 70-plus na ang kanyang edad. Every inch a beauty queen pa rin daw ang kauna-unahang Pinay na nag-win ng Miss International title noong 1964 sa Long Beach, California. Kung naging beauty queen si Mama Gemma, naging sikat at influential movie producer naman si Mother Lily.

Hindi na kami nagpang-abot ni Marian Rivera sa party dahil nakaalis na ako nang dumating siya.

Muntik nang maligaw si Marian dahil ang buong akala niya, gaganapin sa Imperial Palace Suites ang 75th birthday celebration ni Mother. Nagpapasalamat si Marian dahil habang papunta siya sa Imperial Palace Suites may tinawagan siya sa cellphone. Nalaman ni Marian mula sa kanyang kausap na ang old Regal Films office ang venue ng well-attended birthday bash ni Mother.

Maaga ako na dumating sa party ni Mother at maaga rin ako na umalis.

Ang ending, wala akong natikman sa kanyang mga handa, maliban sa lechon na padala ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Hindi ko na rin nahintay ang arrival ni Quezon City Vice-Mayor Joy Belmonte.

Pero maaga rin si Papa Ricky Lo kaya nakipagtsikahan pa siya kay Mama Joy.

Birthday ni Da King hindi pa rin nakakalimutan NG fans

Kahapon ang 75th birth anniversary ng King of Philippine Movies, ang favorite nating lahat, si Fernando Poe, Jr.

Hindi nakalimutan ng loyal fans ni Da King ang kanyang kaarawan dahil dumalaw sila sa puntod ng action superstar sa Manila North Cemetery.

May nagkuwento sa akin na naka-post sa social media accounts ni Lovi Poe ang pictures ng pagdalaw niya sa libingan ng kanyang ama. Nagdala raw si Lovi ng bulaklak sa puntod ni Kuya Ron at naka-post sa kanyang Instagram ang message na “Not a day goes by that I don’t wish you were still here. I love you so much papa. Happy birthday to Da King who gave so much hope not only to me but to everyone who knew him. Our hearts will forever be with you. I know someday I’ll be safe in your arms again. I love you, Papa.”

vuukle comment

DA KING

DAHIL

IMPERIAL PALACE SUITES

MAMA GEMMA

MAMA IMELDA

MOTHER

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with