^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian gusto agad-agad magkaanak

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala pang masyadong detalye ang kasalang Dingdong Dantes-Marian Rivera. Pero definite na ang date sa December 30, 2014, Rizal Day at ang simbahan na napili, ang Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.

Hindi pa rin decided ang bride to be sa gown na kanyang gagamitin. Namimili pa siya. “Nagbabago-bago pa ang isip ko pero nagre-research pa ako nang gusto ko,” sabi ng reyna ng GMA 7.

Sa venue ng reception naman ay may isa silang gustong-gusto pero hindi pa sila nagkakaayos dahil may kasabay na malaking event. Maging sa mga ninong at ninang wala pang final list. Maging ang motif, hindi pa sure.

Malamang kasama sa mga magiging ninong si Pres. Noynoy Aquino pero kakausapin pa nila ang presidente ng bansa.

Pero ang isang siguradong meron na si Marian ay ang shoes na gagamitin niya sa wedding day.

December 8 din sana ang original choice nila pero hindi na puwede dahil Marian Day at may malaking event sa simbahang madalas nilang puntahan ever since na magsimula ang kanilang relasyon.

Ang balita ipina-feng shui ng malalapit sa dalawa ang December 30.

Samantala, hindi naman sinagot ni Marian kung totoong worth P4 million ang ibinigay na engagement ring ni Dingdong sa proposal nito last Saturday sa kanyang dance show na Marian. Hindi na raw importante ang halaga nito pero sabi ni Marian hindi niya ito isinusuot sa trabaho.

Eh ano naman ang naramdaman niya (Marian) nang lumuhod ang aktor noong Sabado at alukin siya nitong pakasal na sila? “Ang alam ko lang may sasabihin lang kami, hindi ko alam na may proposal pa uli. Kung may definition noon ang luka-luka, ako ‘yun. Umiyak ako, kinilig, natawa, lahat na,” pag-aalala ng actress nang for the second time ay nag-propose ang aktor sa kanya. Sa Macau unang nagkaroon ng proposal two years ago.

Tungkol naman sa kanilang honeymoon, wala pa silang plano. Ang sabi ni Dingdong nag-a-abroad naman sila talaga kaya definitely aalis sila pero hindi pa nila alam kung saan.

Sinabi rin ng actor na may pinagagawa na silang bahay somewhere in Metro Manila.

Si Dingdong ang sasa­got sa lahat ng gastos ng kasalan na exclusive sa GMA 7.

Bakit ngayon lang ang kasalan?

“We’re just waiting for the right time and ito na ang right time,” sabi ng aktor.

“I think also ‘yung spi­ritual preparedness. ‘Yung level of maturity. Parang ganoon. Kasi ‘yung sa akin, napag-usapan namin talaga na it’s really time already. And wala naman kaming inaantay na kailangang tapusin o gawin.

 “Malaking factor na rin ‘yung edad pero I guess ‘yung pinakamahalaga sa lahat na ‘yung willingness na namin to start a family together. ‘Yan na talaga ang pinakamalaking factor na na-consider,” sabi ng aktor.

Sa dinami-rami ng babaeng naghahabol kay Dingdong, bakit si Marian?

“Malaking bagay sa akin ‘yung taong willing magsakripisyo at gawing priority ang pagbuo ng pamilya. Kasi hindi naman lahat ganoon ang thinking,” dagdag ng aktor.

Eh si Marian: “Anong meron sa kanya? Alam naman nating lahat na guwapo siya, nasa kanya ang lahat ng katangian. Pero isa sa maipagmamalaki ko na siya ang isang partner na dadalhin ka niya sa mas magandang pananaw, mas mabuting pag-uugali. Hindi ko naman nilalahat. Pero sa isa kong kaibigan, may something na ‘yung sinusulsulan pa ng boyfriend.

“Si Dingdong, hindi ganoon. Siya ‘yung tipo ng taong, ‘Relax ka lang. Matatapos din ‘yan. So dinadala niya ‘yung magandang pag-uugali mo na…Hindi ko alam kung ano ‘yung eksaktong…Sa tama eh. Iba ‘yung kanya. Siya ‘yung nagga-guide sa akin upang maging mas mabuting tao. Hindi siya ‘yung sulsulero. Lalaki siya. Maganda po siyang impluwensiya sa akin!”

Eh hindi pa ba buntis si Marian kaya pakakasal na sila? “Sana po magdilang-angel ka,” sagot ni Marian sa nagtanong. Agad-agad nilang gustong magkaanak. Kung makakabuo sila sa honeymoon, pareho silang mas magiging maligaya.

vuukle comment

DINGDONG DANTES-MARIAN RIVERA

MARIAN

NAMAN

PERO

SI DINGDONG

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with