^

PSN Showbiz

Aktor pinalitan ng pangalan niya ang mga painting na gawa ng ex-GF na actress

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: May mga nagtaas ng kilay sa napiling winners ng Cinemalaya X sa awarding nito na ginanap sa Cultural Center of the Philippines nung kamakalawa ng gabi.

Marami ang nagtaka bakit ang pelikulang Kasal ni Jay Altarejos ang napiling Best Film sa Directors Showcase Category, dahil may mga nag-walkout nga sa ibang screening nito.

Si Mike Tuviera ng The Janitor naman ang napiling Best Director.

Marami ang nakapansin na hindi nagtagal si Aiko Melendez at umuwi na agad pagkatapos manalo ni Nora Aunor sa Best Actress ng Directors Showcase Category.

Hindi rin nagtagal si AiAi delas Alas, na hindi rin pinatapos ang awarding nang tawagin na si Eula Valdez bilang Best Actress sa New Breed Category.

Kasama ni AiAi ang non-showbiz boyfriend niya, pero umiiwas ito sa mga gustong mag-interview.

PAK: Halos magkasunod na dumating sa awards night sina Dennis Padilla at Gretchen Barretto kasama ang partner niyang si Tonyboy Cojuangco. Pero hindi sila nagkita roon.

Kasama si Dennis sa pelikulang Mariquina pero hindi rin siya nagtagal.

Nahingan ng reaksyon si Dennis tungkol sa pahayag ni Claudine Barretto na kay Marjorie ang suporta niya.

Hayaan na lang daw iyun sabi ni Dennis. “Hintayin na lang natin ang decision ng court,” tipid na sagot ni Dennis.

Balak na raw magsalita ni Marjorie Barretto para sa kanyang mga anak na sina Julia at Claudia na nagpapalit ng apelyido nila sa Barretto.

BOOM: Marami ang na-turn off sa kilala at guwapong aktor na may karelasyon noon na ngayon ay kilala bilang isa sa pinaka-promosing na actress.

Si aktres kasi ay magaling magpinta at ang da­mi pala niyang nabigay na paintings na tala­gang magaganda.

Hindi binawi ni aktres ang mga painting, kaya hindi naman ito tinanggal sa bahay ni aktor.           

Kaya lang may bagong girlfriend si aktor, at nadadala niya ito sa kanyang tahanan.

Nandun pa rin ang mga paintings ng ex-girlfriend, pero ang kapansin-pansin ang pangalan na ni aktor na ang nakapirma sa mga paintings na gawa ni ex-girlfriend. Pinalitan pala niya ang signature ng ex-gf sa pirma niya. Yuck!                                                                            

 

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

BEST ACTRESS

BEST DIRECTOR

BEST FILM

CINEMALAYA X

CLAUDINE BARRETTO

DIRECTORS SHOWCASE CATEGORY

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with