^

PSN Showbiz

Sid nagsalita sa sakit na cancer ng amang si Mark Gil

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masaya si Alfred Vargas sa magandang feedback sa pelikulang S6parados na entry ni Direk GB Sampedro sa New Breed Category ng Cinemalaya X.

Ang S6parados ang opening film ng Ayala Fairview Terraces na nagbukas din ng Cinemalaya nung nakaraang Sabado ng gabi. Tampok dito si Alfred, na bale hudyat ng pagbabalik niya sa pag-aartista.

Kasama ni Alfred na nanood ang asawa niyang si Yasmine Espiritu. Doon siya nakilala ng ilang showbiz reporters na ikinagulat nila sa sobrang ganda nito.

Parang pinaghalong Marian Rivera at Carla Abellana ang beauty ni Yasmine kaya tinatanong siya kung gusto rin niyang mag-artista. Pero masaya na si Yasmine sa pagiging Mrs. Vargas at pag-aalaga sa dalawa nilang anak.

PAK: Pagkatapos ng screening ng S6parados sa Fairview Terraces, nagkaroon ng special screening ang pelikulang Mauban ni Direk Lem Lorca na pinagbibidahan nina Sid Lucero at Alessandra de Rossi.

Magka-holding hands ang dalawa sa loob ng cinema at inamin naman ni Sid na sila na ni Alex.

Doon sa Mauban sila nagkasama pero patapos na raw ang shooting nila sa naturang pelikula nang nagkadebelopan silang dalawa.

Tumanggi naman si Alex na magpa-interview dahil mas gusto niyang tahimik lang ang kanilang love life at ayaw daw niyang iyun at iyun lang ang pag-uusapan tungkol sa kanya.

BOOM: Nilinaw naman ni Sid ang isyung napag-uusapang malubha na raw ang karamdaman ng ama niyang si Mark Gil.

May nagkakalat ng text na humihingi ng prayers para sa aktor, pero ang sabi naman ni Sid nasa mabuting kalagayan ang kanyang ama, pagkatapos niyang magkasakit.         

Ang kumalat na kuwento, may sakit na cancer si Mark, pero hindi raw ito totoo ayun kay Sid.

 “No, there’s no cancer,” pakli ng aktor.

“Okay naman siya. He’s going in and out, he’s making sure…like they wanna give him a general check up but I don’t know what happened,” sabi pa ni Sid.

 

vuukle comment

ALEX

ALFRED VARGAS

AYALA FAIRVIEW TERRACES

CARLA ABELLANA

CINEMALAYA X

DIREK LEM LORCA

FAIRVIEW TERRACES

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with