^

PSN Showbiz

Nauna na kay Julia, Dennis inaapela rin sa korteng bawiin ang pagkakatanggal ng apelyido niya sa anak na si Claudia

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Humarap si Carla Abellana sa press kamakalawa ng gabi para i-promote ang bago niyang pelikula sa Regal Films na Somebody to Love na magsu-showing na sa August 20.

Iniiwasan ni Carla na sagutin ang tungkol sa isyu nila ni Geoff Eigenmann.

Hindi raw niya alam kung ano ang mga ipinu-post ni Geoff dahil hindi naman daw niya pina-follow ang dating kasintahan.

“Ayoko na magsalita, pagagalitan na naman ako ni Geoff. Ayokong sabihin nila na ginagamit ko sila sa promo,” pa safe na sagot ni Carla.

PAK: Parang nakikisakay na sa isyu itong starlet na si China Roces na tinuturong katalik diumano ni Paolo Bediones sa kumakalat na sex video.

Si Mo Twister ang nagsabing siya raw ito at nagpa-interview naman ito sa kanyang radio program para itanggi lang.

Nakakarating na sa amin ngayon, na itong si China na raw mismo ang nagpaparating sa ilang reporters na gusto niyang magpa-interview para ipagtanggol ang sarili.

Dumami na ngayon ang raket niya at may mga sponsors na siyang pinasasalamatan sa kanyang Instagrtam account.

May kaibigan pa raw itong si China na sinasabing girlfriend daw siya ni Paolo at balak na raw niyang makipag-break dahil sa naturang scandal, pero itinatanggi naman ito ng TV host.

BOOM: Nasa Quezon City Regional Trial Court kahapon si Dennis Padilla kasama ang abogado niyang si Atty. JV Bautista para isumite ang Petition for Relief from Judgment.

Ito ‘yung sa Petition to Change Name na na-file ni Marjorie Barretto para sa isang anak nilang si Claudia Barretto.

Na-grant na pala ito ng korte, pero huli na lang nalaman ni Dennis kaya sa tulong ng kanyang abogado, nag-file sila ng nabanggit na petition para hilingin sa korte na bawiin ang naturang desisyon.

Humihingi sila ng hearing sa August 8, pero dapat na iparating pa muna ito sa kampo ni Marjorie.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

CHANGE NAME

CHINA ROCES

CLAUDIA BARRETTO

DENNIS PADILLA

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

MARJORIE BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with