^

PSN Showbiz

Pati pagkain sa ref nagkukuripot beauty queen ibinuking ng dating maid na may garter sa wallet at bulsa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ngayon lang naniwala nang isandaang porsiyento ang aming source tungkol sa pagiging kuripot ng isang magandang female personality na may nakahinang na korona sa ulo.

Ngayon lang, kundi pa naninilbihan na ngayon ang dating kasambahay ng babaeng personalidad sa kanyang kaibigan ay hindi nito malalaman nang malinaw ang mga kuwento tungkol sa pagiging inuyat ng aktres, talaga raw palang may garter sa wallet at bulsa ang magandang babae.

Kuwento ng aming source, “Nagkukuwento kasi sa mga kasamahan niya ang dating kasambahay ni ____(pangalan ng babaeng may sunong na korona). Maraming kuwento ang maid, sobrang kuripot nga raw ang dati niyang amo.

“Hindi pala sila puwedeng kumuha ng kahit anong pagkain sa ref nang hindi sila nagsasabi. Nagkakabulukan na kuno ang mga food, pero talagang hindi pa rin niya ‘yun ise-share sa mga kasambahay niya.

“E, kung tutuusin, hindi niya naman binibili ‘yun, iniuuwi lang niya mula sa taping, mahilig palang mag-uwi ng mga ex-deal ng show nila ang babaeng ‘yun! Very sharp ang memory niya pagdating sa food, alam niya kung ano-ano ang nasa ref niya, kung buo pa o bawas na,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

At alam na ng mga kasambahay niya ang paraan ng pagbibigay ng drinks sa kanilang mga bisita, ang turo kuno ng girl ay matatangkad na basong payat lang ang dapat paglagyan ng softdrinks o juice para sa mga bisita nila, kailangan ding maraming yelo ang baso.

“Isang lagok lang, tigok na ang laman ng basong payat na matangkad. E, payat na nga ang glass, marami pang yelo, ano pa ang mahihigop na laman ng bisita nila? Nakakaloka siya, ha?

“Pero ganu’n talaga siya, kuripot ang girl, palagi palang pangat ang food nila sa bahay. Hindi siya mahilig sa pinangat na isda, puro pangalawa hanggang pangatlong init ang kinakain nila dahil nanghihinayang ang female personality sa kakaunti na lang namang mga tira-tira nilang pagkain.

“Kung may paligsahan daw sa kakuriputan sa showbiz, e, mangunguna sa listahan ang may korona sa ulong babaeng ito. ‘Yun kaya ang dahilan kaya siya super-payat?” tawa pa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Kris muntik na naman mapahamak ang love life kay Derek

Kung natuloy palang maging magkarelasyon sina Derek Ramsay at Kris Aquino ay mapapagitna na naman sa matinding problema ang aktres-TV host.     

Tatawagin na naman siyang homewrecker, naninira ng pamilya, dahil lumutang na ang babaeng diumano’y pinakasalan-inanakan ng aktor.

Naging tulog na bulkan ang babae sa mahabang panahon, pero ngayon ay lumantad na ito para magsabing onse anyos na ang anak nila ni Derek, kaya kung nauwi sa relasyon ang pagiging malapit nina Kris at Derek sa isa’t isa ay siguradong sunog na sunog na naman ngayon si Tetay.

Palagi na lang siyang magiging escabeche (read: kabit), mang-aagaw, maninira ng pamilya at kung anu-ano pang katawagan sa mga babaeng nakikiamot lang ng pag-ibig kung naging sila ni Derek sa mga panahong ito.

Mabuti na lang at matindi ang disposisyon ni Derek na talagang hanggang sa pagiging magkaibigan lang ang magiging relasyon nila ni Kris, hindi ito mahilig makisakay sa isyu, pero nandu’n naman ang kanyang palaging katwiran na masarap mahalin si Kris at masarap ding magmahal ang aktres.

Ipinag-adya pa rin ng kapalaran si Kris, kung nagpadala sila ni Derek sa kanilang emosyon ay siguradong iba-bash na naman ngayon sa social media ang aktres-TV host, dahil lumutang na nga ang babaeng nagsasabing ito ang may karapatan sa aktor dahil kasal sila at may anak.

‘Yun ang sinasabing dahilan kung bakit hindi napakasalan ni Derek si Angelica Panganiban, kahit pa tumagal ng ilang taon ang kanilang pagmamahalan. May problemang legal daw kasi.

Sa lahat ng mga lalaking naugnay kay Kris Aquino ay si James Yap lang ang binata, pero bago sila naging magkarelasyon ay may anak na ang basketbolista.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK

KRIS AQUINO

KUNG

LANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with