^

PSN Showbiz

Gretchen nangayayat dahil sa stress kay Lloydie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Abala ngayon si Gretchen Barretto sa shooting ng kanyang pelikula sa Star Cinema. Kasama ng aktres sa bagong proyekto sina John Lloyd Cruz, Richard Gomez, at Jessy Mendiola.

 “Nagsu-shoot ako ngayon ng The Trial for Star Cinema. Marami kami do’n and I think in September, ilalabas na,” nakangiting pahayag ni Gretchen. Matagal na raw pinapangarap ng aktres na makasama si John Lloyd sa isang pelikula kaya talaga namang natuwa siya nang matuloy ito.

I’m really honored dahil sa career natin, career ko ngayon, at least I’m getting the chance to work with the people that I really admire, as far as their acting skills,” pagtatapat ni Gretchen. Nahirapan daw ang aktres sa mga eksena nila ni John Lloyd.

Pinagbabawalan ako ng ABS-CBN na i-post. Napakahirap, kaya nga medyo nangangayayat ako, puro medyo stressful ang aming mga eksena,” pagbabahagi ni Gretchen.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa Kapamilya network dahil sa malalaking proyekto na ipinagkakatiwala sa kanya.

“Lahat naman ng ibinibigay ng ABS-CBN sa akin, malalaki talagang proyekto. Kaya nagpapasalamat ako sa kanila. And I’ll be having a contract signing very soon,” pagtatapos niya. 

Erich, parang reyna ‘pag kasama ng bf

Masayang-masaya si Erich Gonzales sa relasyon nila ng kanyang kasintahan. Espesyal daw palagi ang pakiramdam ng aktres kapag nasa piling ng nobyo.

In his own little ways, napapa-feel niya po sa akin through sa mga surprises pero hindi naman po talaga ‘yung mga material. Siguro po ‘yung time, it’s very important para sa akin. Kasi that is something na hindi mo mababalik and it is very precious. ‘Yung bawat oras na magkasama kami, walang mintis na napapa-feel niya sa akin na very special ako sa kanya,” paliwanag ni Erich.

Samantala, sa August 6 ay palabas na sa mga sinehan ang bagong pelikulang pagtatambalan nina Erich at Enchong Dee, ang Once a Princess. Isang hindi makakalimutang karanasan daw para kay Erich ang makatrabaho si Laurice Guillen na siyang direktor ng nasabing proyekto.

Napakaswerte po namin na maidirek ng isang Laurice Guillen kasi ‘yung iba hindi po nabibigyan ng pagkakataon kasi alam naman po nating ‘pag gawang Laurice Guillen, iba po talaga ‘yung dekalidad na materyal,” nakangiting pahayag ni Erich. Noong una ay talagang kinabahan daw ang dalaga nang malaman na si Direk Laurice ang gagawa ng kanyang pelikula. “Nakakakaba, so no’ng first day kapaan pa. Sabi ko, ‘Naku! Baka strict ito,’ ganyan, pero habang ginagawa po namin ‘yung pelikula nakikilala ko po siya. She’s very cool, she’s very patient,” kwento pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

                                        

vuukle comment

DIREK LAURICE

ENCHONG DEE

ERICH

GRETCHEN

JOHN LLOYD

LAURICE GUILLEN

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with