^

PSN Showbiz

Mommy D. ikinahihiya ang bagets na dyowa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi na maabot si Mommy Dionisia Pacquiao dahil may love life siya ha!  Hindi kami nagkakalayo ng edad ng madir ni Papa Manny Pacquiao pero natalbugan niya ako. May dyowa siya, ako wala!

Take note, mas bagets ang boyfriend ni Mommy D dahil 40-years old lang ang mhin. Senior citizen naman si Mommy D na muling pinatunayan na walang edad na pinipili ang pag-ibig.

Wondering lang ako kung bakit super-deny si Mommy D na may dyowa siya? Nahihiya ba siya o talagang hindi pa siya ready na ipakilala sa mundo ang mhin na nagpapaligaya sa kanya?

So, alam na natin ngayon ang dahilan kaya blooming si Mommy D sa State of the Nation Address (SONA) ni P-Noy.

Blooming at nagdadalaga si Mommy D dahil sa kanyang boyfriend na hindi pa rin yata ready na ipakilala ang sarili sa publiko.

At bilang kinumpirma ni Papa Manny na may boyfriend ang nanay niya, mag-expect na magiging visible sa TV si Mommy D na very generous sa pagpapainterbyu.

Cesar bagets pa rin ang hitsura kahit malapit nang mag-senior citizen

Hindi ako nakapunta sa press launch ng White Glo Crave Away Toothpaste, ang bagong product endorsement ni Sunshine Cruz dahil not feeling well ako noon.

Ipinadala sa akin ang mga White Glo Crave Away Toothpaste na ipinamigay sa presscon, pero hindi ko pa ginagamit dahil ayokong mawalan ng gana sa pagkain.

Hindi na ako nag-iilusyon na maging kasing-seksi ni Sunshine kaya may reason ako para huwag munang gamitin ang toothpaste na may claim-to-fame na nakakawala ng appetite.

Bilang si Sunshine ang topic ko ngayon, bigla ko tuloy na-remember ang kanyang estranged husband na si Cesar Montano.

Kahapon ang 53rd birthday ni Cesar kaya may mga nagtatanong kung may-I-greet siya ni Sunshine ng happy birthday.

Puwedeng oo, puwedeng hindi, pero nagkaroon kahapon si Cesar ng birthday lunch sa isang popular Japanese restaurant sa Makati City. Invited ni Cesar ang kanyang mga close friends.

May mga ayaw maniwala na 53 years old na si Cesar dahil bagets na bagets ang kanyang physical appearance. Marunong mag-alaga ng katawan si Cesar, as in wala itong bisyo kaya bagets-looking pa rin siya.

Alfred balik akting matapos mag-alaga ng nanay

Invited ako sa gala premiere ngayong gabi ng S6parados sa Ayala Fairview Terraces.

Bida sa pelikula si Congressman Alfred Vargas pero hindi ako sure kung makakarating ako dahil baka tamarin na ako na rumampa pagkatapos ng Startalk.

Pag-iisipan ko pa kung sisiputin ko ang imbitasyon ni Alfred dahil medyo malapit sa bahay ko ang venue ng gala premiere ng S6parados na comeback movie niya.

Matagal-tagal din na inactive sa pag-arte si Alfred dahil inalagaan niya ang kanyang nanay na nagkasakit.

Natagalan ang pagbabalik-showbiz ni Alfred dahil naapektuhan siya nang husto ng pagpanaw ng kanyang dakilang ina.

Sa mga gusto na makita si Alfred at ang ibang mga artista ng S6parados, go kayo sa gala premiere ng pelikula na official entry sa Cinemalaya X.

vuukle comment

AKO

ALFRED VARGAS

AYALA FAIRVIEW TERRACES

CESAR

DAHIL

MOMMY D

SIYA

WHITE GLO CRAVE AWAY TOOTHPASTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with