^

PSN Showbiz

Geoff tinawag na plastic si Carla?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Proud si Joel Lamangan sa huling obra niyang pang-Cinemalaya na Hustisya na pagbibidahan ni Nora Aunor.

Panlimang pelikula na itong idinirek ni Joel Lamangan ni Nora at hindi raw talaga niya maikumpara sa mga nakaraang pelikulang nagawa niya.

 “Sa bawat performance niya iba. Ibang atake niya eh. Dito sa Hustisya masama siya rito, iba siya,” proud na pahayag ni direk Joel.

PAK: Nakakaintriga ang palitan ng post sa Instagram nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

Parang nagsasagutan sila sa mga quote na ipinu-post nilang dalawa.

Ang isang post ni Geoff: “Not everyone you lose is a loss.”

Meron pa siyang post na: “Some people think they are champagne in a tall glass, when in actual fact they’re lukewarm piss in a plastic cup.”

Nag-post naman si Carla sa kanyang Instagram account ng: “It is not always necessary to continue arguing or fighting. Your silence may make them think they have won. However, victory is having peace in your heart.”

Ang caption niya sa post na ito: “This is what I learned today. Bahala na lang si God sa kanila. I’m blessed.”

Mukhang in love naman kasi si Carla, dahil kapansin-pansin ang sweetness nila ni Tom Rodriguez sa taping ng My Destiny.

BOOM: Dumulog na si Paolo Bediones sa PNP-Anti Cybercrime Group kahapon na kung saan may anggulong extortion na ang kinasangkutan nitong sex video scandal.

Ipinakita ni Paolo ang sulat na natanggap niya mula sa taong nag-i-extort sa kanya para hindi ilabas ang naturang video.

Sabi sa sulat: “Hawak ko ngayon ang mga sex video mo. Madali naman akong kausap! Kung ayaw mong lumabas ito sa publiko, tawagan mo ako. Antayin ko ang tawag mo! ‘Wag mong patagalin mainipin ako.”

Nakalagay doon sa sulat ang numerong tatawagan niya.

Sinimulan na raw kahapon ang imbestigasyon. Sabi niya sa kanyang Instagram account; “Please help me put a stop to this.”

vuukle comment

ANTI CYBERCRIME GROUP

CARLA

CARLA ABELLANA

GEOFF EIGENMANN

HUSTISYA

INSTAGRAM

JOEL LAMANGAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with