^

PSN Showbiz

Ginalis tuloy, alagang aso kinukulayan ng aktres ‘pag sinusumpong!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang wala sa poder ng isang dating young actress na may asawa na ngayon ang babaeng nagseserbisyo bilang alalay ng isang batang aktres. Nagtagal din ito sa bahay ng magandang young actress nu’n, may kabaitan daw naman kasi ang female personality, kaya lang ay may topak sa ulo.

May mga araw na hindi siya kumikibo, kahit ang kanyang ina ay tumitiyempo lang para makausap siya, ang mood daw ng dating young actress ay pabagu-bago.

Pero ang pinakamatindi ay ang pagsunod ng kanyang mood sa sitwasyon ng kanyang love life. Parang ‘yun daw ang nagmamando sa magiging mood niya sa maghapon. Depende raw sa takbo ng relasyon nila ng guwapong young actor na ngayo’y nag-asawa na rin.

Kuwento ng aming source, “Matindi nga ang topak niya dahil binabagu-bago niya ang kulay ng balahibo ng alaga niyang aso. Kapag maganda ang takbo ng relasyon nila ng boyfriend niya, pink ang kulay ng aso.

“Kapag nag-aaway naman sila, iniispreyan niya ng itim ang balahibo ng puppy niya. Kapag nagseselos siya, yellow ang kulay ng dog niya. Kapag nalulungkot siya, asahan mo nang kulay violet naman ang balahibo ng aso niya.

“So, ang nagiging barometer na rin nu’n ng mga kasambahay nila, e, ang kulay ng aso. Kapag pink, makuwento si ____(pangalan ng magandang dating teenstar), pero kapag black ang spray ng dog, mag-ingat ka na, may topak siya!” seryosong kuwento ng aming source.

At para iparamdam sa kanyang boyfriend ang mood niya ay isinasama niya sa taping at shooting ang kanyang puppy, awang-awa na nga raw ang mga kasamahan niyang artista sa aso, dahil nadadamay ito nang walang kalaban-laban.

“Tumigil na lang siya sa kagaganu’n nu’ng magkasakit ang dog niya, ginalis kasi, naimpeksiyon! Sa kaiisprey niya, sa kababago niya ng kulay ng balahibo ng aso niya, ginalis ang kawawang dog!” napapailing na lang na kuwento ng aming impormante.

Ngayon ay maligaya na sa piling ng isang guwapong aktor ang dating teenstar, may mga anak na sila, tanggap na tanggap ng pamilya ng lalaki ang sumpunging aktres.

Paolo kulang sa ingat

Kung paano at bakit biglang lumutang ang sex video ni Paolo Bediones ay isang malaking tandang-pananong pa rin hanggang ngayon. Kung sino ang nagmaniobra para muling ilantad ang naturang sex video ay walang nakakaalam.

2007 pa naganap ang pakikipagniig niya sa starlet na nakarelasyon pala niya nang halos isang taon. Kita naman ang ebidensiya sa kanilang pagbiyahe sa langit, hindi ‘yun basta-basta pagpapaalpas lang ng init ng kanilang mga katawan, malamyos ang kanilang paghahalikan na tanda ng pagmamahalan.

Sa mga nagtatanong kung bakit sinuportahan ng pamunuan ng TV5 si Paolo sa kanyang pinagdadaanan ngayon, ang susi nu’n ay ang kanyang katapatan sa tagapamuno ng News 5, nang mag­desisyon siyang lumipat sa network ay naglantad si Paolo Bediones ng kanyang mga baraha sa mesa.

Isa ang pagkakaroon niya ng sex video sa mga ipinagtapat niya, wala siyang ikinubli, ang tanong na lang ay kung lalabas pa ba ‘yun o mananatiling nakatago na lang.

Bukod sa ayaw nang panghimasukan pa ng istasyon ang ganu’n kapribadong aspeto ng buhay ng kanilang news anchor ay hindi na sila nagulat. Ipinagkatiwala na ng newscaster ang sensitibong bahaging ‘yun ng kanyang pagkatao sa kanyang mga boss.

Ang tanging pagkukulang lang ni Paolo ay hindi siya nag-ingat. Oo, pareho silang nasa wastong edad na ng babae at nagmamahalan sila, totoong wala silang sinumang tinapakan dahil wala silang pinagtaksilan, pero nagpatalo sa kanyang emosyon si Paolo.

At tanggap niya ‘yun. Hindi niya ipinagmamalaki ang pagdodokumento sa kanyang pakikipagniig. Dumadaan siya ngayon sa estado ng problema, solusyon, at leksiyon.

vuukle comment

ASO

BUKOD

KANYANG

KAPAG

LANG

NIYA

PAOLO BEDIONES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with