^

PSN Showbiz

Derek kinasuhan ng Anti-Violence Against Women and their Children ng dating asawa?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

True ba itong natanggap kong attachment sa Twitter na kinasuhan daw si Derek Ramsay last June 27 ng estranged wife niyang si Mary Christine Jolly? Isinampa raw sa Makati City Prosecutor’s Office ang kasong Violations of Republic Act No. 9262, otherwise known as the Anti- Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Hindi raw kasi nito kinikilala ang anak na si Austin Gabriel, 11 years old now at hindi rin sinusuportahan.

Minsan lang daw itong binigyan ng laptop, luma pa, at galing pa kay Angelica Panganiban.

Lumabas na dati ang kuwentong ito, pero bakit kaya ang petsa ay last June lang?

May attachment pa na affidavit ang nagpadala kung saan nakasaad kung paano sila nagkakilala ng aktor at kung paanong nagkaanak at ang ginawang panloloko raw ng aktor. May marriage certificate pa at birth certificate ng sinasabing anak nila.

May sagot kaya si Derek sa panibagong kumakalat na isyu na ito?

 

Paolo at EtheL meron din daw sex video, sa Greenhills unang kumalat

Kaloka, may sex video din daw sina Paolo Be­diones at Ethel Booba. Well, ayon sa isang tumawag sa akin. Kalkalin ko raw dahil kumakalat na rin ito.

“’Di ba magkasama sila dati sa Extra Challenge sa GMA at may mga out of town shoots sila? Doon nagaganap ang mga milagro,” pagkukuwento ng kausap ko sa kabilang linya.

May nagsabi raw na grabe rin ang mga eksena ng dalawa sa umano’y sex video.

Anyway, sa Greenhills pala talaga nag-umpisa ang nasabing sex scandal ayon sa kuwento ng isang reporter ng TV5 na nakausap ni Paolo. Ang TV host mismo raw ang nag-confirm. “Pinagawa raw niya ang computer niya sa isang computer shop na binilhan niya ng computer. Kaso in-out source pala, sa Greenhills,” banggit ng source na mismong si Paolo raw ang nagkukuwento.

Kaya minsan daw nang mag-Greenhills si Paolo, nakita raw niyang screensaver na ang sex video niya.

Binura na raw ‘yun actually ni Paolo, pero meron daw talagang computer program sa laptop na nakaka-reco­ver pala kahit nabura mo na ang mga file.

Nanghihingi raw ng P3 million ang isang grupo para pigilan ang pagkalat ng video pero siyempre hindi raw nito ibinigay.

Abangan natin kung kakalat din ang sinasabing video nila ni Ethel Booba o ito ay isang malaking hoax lang.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

AUSTIN GABRIEL

DEREK RAMSAY

ETHEL BOOBA

EXTRA CHALLENGE

GREENHILLS

MAKATI CITY PROSECUTOR

MARY CHRISTINE JOLLY

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with