^

PSN Showbiz

Andre ayaw sa babaeng kasintangkad niya

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bibihirang artista ang sa unang kita pa lamang ay hahangaan mo na ang kagandahang lalaki. Isa ang  baguhang artista  na si Andre Paras sa maituturing mong magan­dang lalaki in the true sense of the word.  Hindi katakataka kung sa murang gulang niya ay hinahangaan na siya ng marami. Hindi lamang ng mga babae kundi maging ng kapwa niya lalaki dahil sa sobrang kagwapuhan niya.

Bless his genes for giving him the looks na maski sa mga artista na ay bihirang makita. Idagdag mo pa ang height niya na 6’3”, meron ka nang isang near perfect man.

Near perfect sabi ko, dahil it was my first time to meet him at hindi ko pa alam kung ang hitsura niya ay binabagayan din ng isang magandang pag-uugali.  Ang agad kong nakita, meron siyang sense of humor.

Kung wala rin naman siyang magandang masasabi tungkol sa babaeng nagsilang sa kanya, si Jackie Forster, mabuti nang wala siyang sabihin tungkol dito. Pero habang nagtatagal ang aming pag-uusap nakita ko kung gaano niya kamahal ang babaeng nagpalaki sa kanya at itinuturing niyang hindi pangalawang ina kundi tunay nang ina niya. He also speaks with fondness sa dalawa niyang kapatid dito.

Matipid siyang tao, pero sila ay hindi niya tinitipid. He gives them what they want, kapag may pera siya at nakakalimutan na nag-iipon siya. Sa kagustuhan niyang makaipon nang madali, pati sarili niya ay tinitipid niya. Hindi siya bumibili ng mga mamahaling sitsirya, mga cheap foods na lang.

Pero ang pagbili ng mamahaling sapatos na kailangan niya sa paglalaro ng basketball ay hindi niya ipinagkakait sa sarili niya. Sa pag-aartista niya hindi na mahirap ang makaipon para sa kinabukasan niya.

Bukod sa paglabas sa movies ay nasa TV na rin siya. Kasalukuyan siyang hinahangaan at sinu­subaybayan sa kanyang role bilang isang manlili­gaw ni Barbie Forteza sa panghapong programa ng GMA, ang The Half Sisters.

Dahil siguro bata pa, wala pang problema si Andre kahit napupuyat siya sa taping ng THS. Nagagawa pa rin niyang gumising nang maaga para sa kanyang basketball practice. Sa ngayon parehong panahon at effort ang ibinibigay niya sa kanyang pagl­alaro ng basketball at pag-aartista. Huwag n’yo pa siyang tanungin kung alin ang mas pipiliin niya sa dalawa. Hindi pa raw niya alam. “In three years time, baka makapili na ako,” pangako rin ng hindi nag­papabaya sa kanyang pag-aaral ng Mar­ket­ing sa San Beda.

“Sa ngayon pinagbubutihan ko ang pag-aartista ko para may kasunod agad na project. Nanghihinayang nga ako na hindi ako nakasama nina James (Reid), Nadine (Lustre), at Yassi (Pressman) sa follow-up movie namin ng Diary ng Panget. Hindi na kasi kaya ng sked ko with the taping,” anang young star na many fans will love to know ay wala pang girlfriend at ayaw ng karelasyon na isang artista at hindi matangkad na tulad niya.

vuukle comment

ANDRE PARAS

BARBIE FORTEZA

HALF SISTERS

JACKIE FORSTER

NIYA

PERO

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with