^

PSN Showbiz

Ibinuking din ang nobyo ni Mommy Dionisia: Rep. Pacquiao magreretiro na sa 2016, kinumpirma ring kakandidatong senador

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumprima ng sikat na boksingero at kongresista ng Sarangani na si Manny Pacquiao ang plano niyang pasukin ang Senado sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) sa 2016.

“Malaki ang posibilidad. Kinuha ako ng UNA at pasalamat naman ako,” pagbabahagi niya kay Anthony Taberna sa Tapatan ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes (Hulyo 31).

Tungkol naman sa kanyang karera sa boxing, nakatakdang labanan ni Manny ang mas bata at wala pang talong Amerikanong si Christopher Mark Algieri para idipensa ang kanyang WBO welterweight title nga­yong Nobyembre. Sa edad na 35, sinabi ni Manny na hindi siya natatakot o napapagod na humarap sa mga mas batang boksingero.

Pagkatapos ng laban na ito ay inaasahan pa ni Manny ang apat pang laban bago siya magretiro dalawang taon mula ngayon. Papatak ang pagreretiro ni Manny sa susunod na national elections sa 2016.

Ngunit bago ito, buhay pa rin ang pag-asa ni Manny na makakaharap niya sa loob ng boxing ring ang Amerikanong si Floyd Mayweather Jr. Nagkaroon na raw ng pag-uusap sina Manny at Mayweather para rito ngunit hindi sila magkasundo kaya’t hindi matuluy-tuloy ang laban nila na pinakahihintay ng lahat.

Samantala, ibinunyag ni Manny kay Tun­ying sa eksplosibong panayam na may nobyo ngayon ang ina niyang si Mommy Dionisia. May mga rebelasyon din si Manny tungkol sa kanyang personal na buhay sa episode.

vuukle comment

AMERIKANONG

ANTHONY TABERNA

CHRISTOPHER MARK ALGIERI

FLOYD MAYWEATHER JR. NAGKAROON

HULYO

MANNY

MOMMY DIONISIA

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with