^

PSN Showbiz

Dahil walang GF, Kris laging inaalala si P-Noy

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi napigilan ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang maluha sa speech ng kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino dahil bigla niyang naalaala ang kanilang yumaong ina, si dating Pangulong Cory Aquino na magli-limang taon nang namayapa sa darating na Aug. 1.  Naroon din ang pag-alaala ni Kris sa kanilang kaisa-isang kapatid na lalaki sa kanyang mga kinakaharap na problema ng bayan lalo na nga’t wala itong girlfriend na aalalay.

In full force ang mga kapatid ni P-Noy na dumalo sa kanyang State of the Nation Address na ginanap sa Batasang Pambansa.  Naroon sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, Viel Aquino-Dee at bunso nilang kapatid na si Kris Aquino na ginawa rin nila nung ang kanilang yumaong ina pa ang pangulo ng bansa.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, dalawang beses nagkaroon ng pangulo ng bansa na mag-ama at mag-ina – ang yumaong si Pangulong Diosdado Macapagal at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang mag-inang Pres. Cory Aquino at P-Noy.

Mga nagpapa-tattoo sa pangalan ng kanilang GF lahat naghihiwalay

Bata pa pareho ang mga Kapuso stars na sina Jake Vargas at Bea Binene para magseryo sa kanilang relasyon, pero para sa dalawa ay seryoso umano sila sa isa’t isa kaya last March ay nagpa-tattoo si Jake sa kanyang braso ng pangalan ni Bea.

‘Di nga ba’t ganoon din ang ginawa noon ni Robin Padilla sa kanyang mga nakakarelasyon na lahat nauwi sa hiwalayan?  Nagpa-tattoo rin noon si Romnick Sarmenta ng pangalan ni Sheryl Cruz nung sila pa at kapwa pa sila mga bata, pero naghiwalay din.  Kung matatandaan pa, nagpa-tattoo rin noon ang dating magkasintahang Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto pero sa hiwalayan din nauwi ang kanilang relasyon.

Since pareho pang mga bata sina Jake at Bea, marami ang puwedeng mangyari sa kanilang relasyon sa hinaharap.

Sina Jake at Bea na mas kilala ng kanilang mga fans as Jabea ay regular na napapanood sa Pepito Manaloto at Sunday All Stars.  Mainstay rin sa Walang Tulugan with the Master Showman si Jake kung saan din madalas mag-guest si Bea.

vuukle comment

AQUINO

BALLSY AQUINO-CRUZ

BATASANG PAMBANSA

BEA

CORY AQUINO

KANILANG

KRIS AQUINO

PANGULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with