^

PSN Showbiz

Alessandra ten years ago pa pangarap maging dyowa si Sid

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

“Less lovers, more than friends” ang description ni Gabby Eigenmann sa relasyon ng kapatid na si Sid Lucero at Alessandra de Rossi.

May nagtsika naman sa amin na matagal nang crush ni Alex si Sid, noong 2004, nang unang makita ng aktres si Sid, nakyutan na ito sa aktor at in-announce na ang aktor ang future boyfriend niya at pabiro pang niyakap.

Sino ang mag-aakalang after 10 years, nagkatotoo ang sinabi ni Alex na magiging BF niya si Sid? Sabi uli ni Gabby, bagay sina Sid at Alex dahil parehong very artistic. Beyond friendship ang closeness at aprubado sa kanilang mga Eigenmann kung magiging sina Alex at Sid at welcome sa family nila si Alex.

Samantala, pati si Alex napupuri sa husay umarte sa Ang Dalawang Mrs. Real at bilang si Sandy, hindi siya nagnanakaw ng eksena sa mga kasama.

Alden hindi nababakante kaya kinaiinggitan ni Aljur

Malakas na “Hindi po” ang sagot ni Alden Ri­chards nang biruin ng press na kabilang siya sa Kapuso talents na kinaiinsekyuran ni Aljur Abrenica. Pero may tsika noon na isa siya sa binanggit ni Aljur na mas maganda ang projects kesa sa kanya.

Sa presscon ng Yes! 100 Most Beautiful Stars 2014, kung saan kasama si Alden sa Heartthrobs category, natanong din siya sa isyu sa kanila ni Aljur, hindi lang siya binigyan ng chance ni Iya Villania na sagutin ang tanong.

Bale ba, si Alden ang kinuha ng GMA 7 na co-host ni Regine Velasquez-Alcasid sa reality-talent search na Bet ng Bayan at malaking bagay ito kay Alden dahil after Marian Rivera, ang Asia’s Songbird naman ang makakatrabaho niya.

Si Alden din ang ipinalit kay Tom Rodriguez ng GMA News TV na gumanap sa role ni Dr. Jose Ri­zal sa documentary series na Ilustrado. Sabi ni Alden, second week ng August magsisimula ang ta­ping niya ng docu series sa direction ni King Marco Baco na director din ng Katipunan.

Ciara nine weeks preggy, tigil muna sa pole dancing

Mas personal ang presscon ng Hari ng Tondo dahil sa bahay nina directors Carlitos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza sa Forbes Park ginawa. May kasamang lutong bahay ang inihandang masarap na food. Ipinapanood ang first part ng movie at nagustuhan ng press ang pagbabalik-pelikula ni direk Carlitos Siguion-Reyna.

Present sa dinner-presscon sina Robert Arevalo, Ciara Sotto, Cris Villonco, Lorenz Martinez, at Liza Lorena at nakuwento ang role nila sa movie. Ginamit ang kantang Bituin Marikit at sabi ni direk Bibeth Orteza na scriptwriter din ng movie, hindi sila nagbayad ng royalty ng mo­vie dahil public domain na ito.

Sa presscon, kinumpirma ni Ciara na nine weeks pregnant siya at nalaman lang after ng Celebrity Dance Battlesayaw pa siya nang sayaw. Ngayon, mag-iingat na siya at tigil muna sa pole dancing.

Sa interview kay Rafa Siguon-Reyna, wish nitong si Robert ang manalong best actor sa 2014 Cinemalaya, kung saan entry ang Hari ng Tondo sa Directors Showcase Category. Ang reaction ng ve­teran actor ay “I thought we did some good work at sana magustuhan ng bigger audience.”

Rocco na-excite kay Dennis!

Nag-post si Rocco Nacino sa Instagram (IG) ng picture niya kuha sa taping ng Hiram Na Alaala, ang bagong soap ng GMA 7, pero mukhang hindi pa siya nagpapagupit ng gupit ng isang PMAyer, role na gagampanan niya sa soap.

Excited din si Rocco dahil marami siyang eksena with Dennis Trillo at looking forward sa mga training na gagawin gaya ng skydiving.

Anyway, honored si Rocco to work with Nora Aurnor sa Hustisya, tinuruan siya nitong maging relax at ina­lalayan siya nito sa mga eksenang mahirap. E­xcited din ito sa nabalitaan na for exhibition ang Hustisya sa isang big international film festival na bawal pang banggitin. Wish nitong isama siya ng mga producer ‘pag in-screen na ang movie sa international film festival para maka-experience lang.

Ritz ‘di type si direk GB?!

Inamin ni Direk GB Sampedro na may eksena sa S6parados (Separados) na nangyari sa kanya at based sa buhay niya ang movie. Nakalimutan naming itanong kung sino si Ritz Azul sa mga babaeng minahal at nakarelasyon niya?

Si Ritz ba ang babaeng pinakasalan, ang talent manager na ina ng kanyang mga anak? Si Ritz ba ang Brazilian beauty na naging fiancée niya at muntik pakasalan o si Ritz ang magaling na comedienne na kanyang nakarelasyon?

Napansin lang ng press, kung open si direk GB sa admiration (at love?) niya kay Ritz, ayaw namang mag-comment ng aktres. Hindi raw niya alam kung nanliligaw sa kanya ang director. May communication gap ang dalawa?

vuukle comment

ALEX

ALJUR

BIBETH ORTEZA

CARLITOS SIGUION-REYNA

NIYA

SID

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with