^

PSN Showbiz

Murahan nina Iza, Isabelle, at Carla na-x ng MTRCB

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Birthday presentation ni Mother Lily ang Somebody to Love, pelikulang dinirehe ni Joey Reyes at balik-Regal Entertainment ng director. Showing ito sa August 20 at sa napanood naming short trailer, magugustuhan ng moviegoers ang movie at marami ang makaka-relate.

Naintriga kami sa pos­ter dahil nasa bed ang mga karakter at kuwento ni Direk Joey, tagni-tagni ang story ng nine major cha­racters at mangyayari lang in one week ang pelikula. Ginamitan ng director ng split screen ang movie na sa Regal lang daw niya magagawa dahil hindi nakialam sina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Very brave raw ang lan­gua­ge ng movie, nagmu­mu­ra ang mga ka­rak­ter at walang inhibition ang cast sa language, kaya na-X ng MTRCB, pero naayos din. Dito maririnig magmura sina Iza Calzado, Isabelle Da­za, at pati yata si Carla Abellana. Pumayag din si Isabelle sa role niyang FUBU o F—k Buddy ni Matteo Guidicelli.

Kasama sa cast sina Jaclyn Jose at Albie Ca­siño, pero wala silang ek­sena together.

Samantala, kaibigan ni Direk Joey si Sen. Jinggoy Estrada at inalam kung paano mabibisita ang kaibigan at producer. He felt bad sa nangyari rito at gusto niyang madalaw at wala siyang pakialam kung i-bash man siya sa kanyang pagbisita rito.

Sunud-sunod ang pelikulang gagawin niya sa Regal at hindi pa man naipapalabas ang Somebody to Love, sinimulan na nito ang shooting ng horror movie na Dilim bago ang ghost month.

Gagawin din ni Direk Joey ang Chinoy na ensemble movie about cousins and modern Chinese generation. Wala pa siyang cast at may gustong isama na galing sa Mr.& Miss Chinatown. 

David Remo gustong magka-race car

May 21 endorsements ang childstar na si David Remo na napapanood sa Niño. Ang pinakabago niyang TVC na hindi pa lumalabas ay kasama si Marian Rivera.

Nakakatuwa dahil at his age, nag-iipon na si David dahil gustong makabili ng race car at type yatang maging race car driver. Sa ngayon, happy na ang bagets sa loom bands na suut-suot.

Rita ayaw patulan si Julie Anne

Bina-bash ng ilang JaBea fans nina Jake Vargas at Bea Binene dahil sa lumabas na publicity photo ng 2014 Cinemalaya entry na Asintado na naghahalikan sina Jake at Rita de Guzman. Galit ang fans at tinawag daw siyang mang-aagaw. Ayaw niyang patulan ang bashers dahil trabaho lang ang ginawa nila ni Jake.

Itinanggi pala ni Rita na nagkaroon sila ng gap ni Julie Anne San Jose na tinalo niya sa Pop Star Kids, pero mas successful na singer sa kanya nga­yon. Mas matanda raw sa kanya si Julie Anne at iba ang ginagawa nito sa ginagawa niya. Ouch!

vuukle comment

ALBIE CA

BEA BINENE

CARLA ABELLANA

DAVID REMO

DIREK JOEY

ISABELLE DA

JULIE ANNE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with