^

PSN Showbiz

Lyca may karapatan naman talagang manalo

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Marami pala ang disappointed sa pananalo ng isang batang manganga­lakal sa The Voice Kids. Mas marami ang may gusto sa dalawang batang lalaking nakalaban nito. Mas magaling daw at malawak ang repertoire samantalang Tagalog songs lang ang kayang kantahain ng batang taga-Cavite na nanalo ng P1M at isang house & lot.

Hindi ko napanood ang pakontes kaya wala akong maibigay na komento. Pero sabi ng mga nagkukwento sa akin ay magaling din namang kumanta ang batang si Lyca. At bentahe nito ay ang estado niya sa buhay dahil ginusto siyang bigyan ng mas magandang buhay ng mga texter na siyang pumili ng nanalo. Hindi man siya ang pinakamaga­ling, pero kumakanta naman siya at above the ordinary ang boses niya kaya san ‘dun ang mali?

Makisaya na lang tayo kay Lyca dahil kinasihan siya ng kapalaran. Bata pa siya at mas gaganda pa ang boses niya. Bigyan natin siya ng ilan po ang panahon at baka bukas another Angeline Quinto na rin siya bagaman  at kay Nora Aunor siya ikinukumpara ng lahat.

Sen. Chiz proud sa pagrampa kasama ang kanyang First Lady

Talagang si Heart Evangelista na ang first lady ni Sen. Chiz Escudero. Ito na naman kasi ang nakasama niya sa SONA nung Lunes ng hapon.  At talaga namang nakipagkumpitensya nang pagan­dahan hindi lamang ng sarili niya kundi maging ng suot niya ang aktres. Sila nina Cong. Lucy Tor­res-Gomez, Assunta de Rossi-Ledesma, Sen. Loren Legarda, Kris Aquino, at Mommy Dio­nisia-Pacquiao ang talaga namang umagaw ng pan­sin ng lahat dahil sa kanilang kagandahan.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

CHIZ ESCUDERO

FIRST LADY

HEART EVANGELISTA

KRIS AQUINO

LOREN LEGARDA

LUCY TOR

LYCA

MOMMY DIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with