^

PSN Showbiz

Dahil sa sex video, show ni Paolo pumalo ang rating

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Hindi na apektado si Heart Evangelista sa ibang pumuna sa gown na suot niya sa SONA kamakalawa ng hapon.

Gawa ni Joey Samson ang gown na suot niya na halos kapareho ng ibang nasuot ng ilang celebrities gaya nina Madonna, Anne Curtis, at iba pa.

Marami namang pumuri dahil maganda naman ang pagkagawa ni Joey Samson at nakeri naman ni Heart.

Hindi naman daw iniisip ni Heart kung pupurihin siya sa suot niya, dahil nandun siya para samahan si Sen. Chiz Escudero.

Trophy wife na nga raw ang dating niya dun, pero hindi negative ang dating nito sa Kapuso actress.

Kagabi naman ay sinuportahan din ni Sen. Chiz si Heart sa premiere night ng Trophy Wife na showing na ngayong araw.

PAK : Marami ang pumuri sa suportang ibinigay ng TV5 kay Paolo Bediones. Mananatiling tahimik ang kontrobersyal na news anchor ng TV 5. Tuloy lang siya sa trabaho, at dahil nga sa kontrobersyang ‘yan, tumaas pa ang rating ng Aksyon Tonite ni Paolo at nabura ang pagkuwestiyon sa kanyang kasarian.

Ang latest na narinig namin, may binabalak ang TV 5 na aksyon sa pakikipagtulungan sa NBI.

May kinalaman daw ito sa pagkalat ng naturang video, na ang dinig namin may nangyayaring extortion.

BOOM: Si Jennylyn Mercado ang isa sa u­nang pumunta kay Mark Herras para makiramay sa ka-love team nang pumanaw ang kanyang adoptive father na si Daddy Jun dahil sa cardiac arrest.

Si Jennylyn ang isa sa u­nang tinawagan ni Mark na umiiyak dahil bigla itong nangyari sa kinalakhang ama.

Kuwento ng Kapuso actress: “Nagkataon kasi na nasa shooting ako nun, malapit lang sa location ko ang hospital na kung saan dinala nila si Daddy Groovy (tawag ni Jennylyn sa ama ni Mark).

 “Saktung-sakto, change set up n’un, nagpaalam ako kay Direk kaya kaagad na pinunta­han ko siya.

 “Alam ko, sobrang sakit iyun kay Mark. Ako, hindi ko alam kung paano ko i-handle ang ganung pangyayari sa ganung biglaang sitwasyon.”

Ang mga labi ng ama ni Mark ay nakalagak sa St. Peter Commonwealth, at pinag-iisipan pa nila kung dadalhin nila ito sa Laguna na kung saan taga-roon si Daddy Jun at lumaki si Mark. Nakikiramay po kami.

vuukle comment

AKSYON TONITE

ANNE CURTIS

CHIZ ESCUDERO

DADDY JUN

HEART EVANGELISTA

JENNYLYN MERCADO

JOEY SAMSON

KAPUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with