^

PSN Showbiz

Gretchen ayaw nang sumawsaw sa pagpapalit ng apelyido ni Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ayaw na raw magbigay ni Gretchen Barretto ng mga komento kaugnay sa mga kontro­bersyang kinasasangkutan ng kanilang pamilya. “Ngayon I guess natuto na tayong tumahimik, magtikom ng bibig. Tagalog ‘yon. I believe I’m older now. Just let God take care of everything and the truth will come out. So ‘yung mga bashing na ‘yan let it happen and later on ‘yung katotohanan ang lalabas,” nakangiting pahayag ni Gretchen.

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang mag-inang Marjorie at Julia Barretto dahil sa hindi na petisyon ng mag-ina na i-drop ang apelyido ni Dennis Padilla sa pangalan ng anak. “Let’s not get to that, kasi parang ‘di na ‘yon napag-uusapan and Julia is very young. I don’t want to get into that. If there’s anybody who should answer, let Marjorie and Julia,” giit ni Gretchen. Samantala, hinahangaan naman daw ng aktres si Marjorie dahil sa pananatiling matatag nito sa gitna ng kaguluhang kinakaharap ng kanilang pamilya. “Napakalakas na babae ni Marjorie. We are not perfect, mayroon kaming mga kasalanan pero I think what we have is our faith in God,” dagdag pa niya.

Kahit paano ay nasasaktan pa rin daw si Gretchen sa tuwing may pagsubok na dumarating sa kanilang pamilya. “Normal naman na masaktan din nang kaunti, hindi ba? Tao lang tayo pero ang pagsubok sa buhay ay dumarating talaga ‘yan. Pero how we face it, how we deal with it to every situation is a different story. Bilib na bilib ako kay Marjorie, ‘yun lang,” pagtatapos niya.  

 

Nikki nadaan sa dasal ang bagong inspirasyon

Isang non-showbiz guy ang bagong inspirasyon ngayon ni Nikki Gil, pero hindi pa raw ito kasintahan ng aktres. “I’m not dating anyone else. I guess we’re working on making it more than that, something more concrete,” bungad ni Nikki. Ayaw daw pangunahan ng dalaga kung saan man patutungo ang pagtitinginan nila ng lalaki. “It’s just that ayoko nang ayan na naman, announce na naman. Kasi hindi lang naman kami ang nasa relasyon eh, there are so many people involved and I really wanna take my time,” paliwanag ni Nikki.

BJ Albert daw ang pangalan ng bagong i­nspirasyon ng dalaga ngayon. Businessman ito na nagmamay-ari ng isang real estate company at may restaurant din. “I really tried dating like going out with different men. I guess I know what I want, I know what I don’t want and if it’s clear, I don’t wanna waste anyone’s time or time anymore, Parang gano’n,” makahulugang pahayag ng aktres. Mahigit isang taon na rin mula nang magkahiwalay sina Nikki at dating kasintahan na si Billy Crawford. Para sa aktres ay maganda naman daw ang kinalabasan ngayon pagkatapos ng kanyang mga pinagdaanan. “Kasi mabait ang Panginoon. Siguro nagtanim ako ng maraming magandang bagay and it’s really just God being so good to me even if I don’t deserve it.  When I asked him to make me whole, he did, for real. Nadadaan talaga siya sa prayer in fairness,” nakangiting pahayag ni Nikki. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AYAW

BILLY CRAWFORD

DENNIS PADILLA

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

JULIA BARRETTO

KASI

MARJORIE AND JULIA

NIKKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with