^

PSN Showbiz

Cristine pang-best actress ang acting sa Trophy Wife

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Mabilis ang mga pangyayari, malinis, at unpredictable ang twist ng pelikulang Trophy Wife na magsisimulang mapanood sa mga sinehan ngayong araw.

For a sexy-thriller movie, ang bongga nitong pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Derek Ramsay, Heart Evangelista, and John Estrada.

Ang bongga ni Cristine rito, ibang acting ang ipinakita niya. Baka nga ma­ging best actress pa siya rito.

Kahit naman sina Heart, Derek, at John, ang huhusay sa movie. Bagay sa kanila ang kanya-kanyang character.

Basta ibang klase at hindi ordinary ang kuwento, kaya panoorin na lang ninyo sa mga sinehan starting today.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Trophy Wife na dinirek ni Andoy Ranay for Viva Films.

 

Alessandra nagtatalak, tinawag na liar si Heart

Nagtatalak pala si Alessandra de Rossi sa ta­ping ng Basta Every Day Happy. At ang tinatalakan niya, ang ex bestfriend niyang si Heart Evangelista.

Ang rason ng kanyang pagtalak ayon sa aking super reliable source, sinabi raw ni Heart na nag-happy birthday ito sa kanya samantalang hindi naman daw. Inakusahan daw nito ang dating kaibigan ng liar.

Super lakas daw ng boses ni Alessandra kaya maraming nakarinig sa talak ng host ng programang pang-good vibes ang concept.

Nag-start ang sinasabing misunderstanding ng dating mag-BFF nang hindi sinasadyang maikuwento ni Heart sa Startalk na may something sina Alessandra and Sid Lucero na ang nakakaloka ay hindi pa raw hiwalay sa live-in partner kaya bawal na bawal pa sanang mabuko ang relasyon ng dalawa.

Patulan kaya ni Heart ang sinasabing pagtalak ni Alessandra?

Anyway, ngayong Miyerkules, samahan ang Basta Every Day Happy barkada sa isang masayang umagang puno ng kuwentuhan tungkol sa pag-iipon.

Time to shift to your Tipid Mode dahil magbibigay sila ng mga wais tips para patunayang pwedeng mag-ipon ang kahit na sino, kahit magkano ang kinikita mo. Bibida rin dito ang mga Magic Garapon para maging fun at stress-free ang ating pag-iipon.

Ang kuwento ng bisitang si Dionisio Reyes na nagkaroon ng chance para humawak ng 14 million pesos pero napunta lang sa wala ay magsisilbing aral kung bakit natin kailangan ng kaalaman pagda­ting sa wastong paghawak ng pera. Hindi pwedeng ubos-ubos biyaya, pagkatapos ay nakatunganga.

Paano ba maiiwasan ang ganito kalungkot na sitwasyon? Gaano ba kahalaga ang pagba-budget? 

Si Chef Boy Logro naman, para makatipid, ay magluluto ng isang espesyal na recipe in just three minutes na pwede nang pagsaluhan sa bahay kaysa dumayo pa sa paboritong restaurant.

At sa huli, magkakaroon ng isang 20 Week Pera Challenge para tiyak na may pera ngayong Pasko.

 

GMA iniisa-isa na ang ginawa kay Aljur

Natanggap na ng GMA 7 ang kopya ng complaint affidavit ni Aljur Abrenica. Kaya kahapon ay nagpadala na naman ng statement ang home network ng nagrerebeldeng actor.

“GMA Network received yesterday the complaint filed by Aljur Abrenica for the rescission of his
Management Contract and exclusive Network Agreement.

Our lawyers will review this and
answer accordingly in court. The Network considers this incident very unfortunate because GMA has greatly invested on Aljur,
who is one of its prime artists.

GMA Artist Center has not been remiss in its duties as his manager practising a consultative style
of management with Aljur. With his best interest in mind, this practice has accorded him every opportunity to personally assess all offers to reach a mutual agreement.

GMA Network has equally given him projects, some of which were lead roles in the Network’s primetime programs.

Aljur is a home-grown GMA talent who was discovered through the reality search, Starstruck in 2007. Since then, he has been given numerous projects including Dapat Ka Bang Mahalin?, All My Life, The Last Prince, Machete, Coffee Prince, Prinsesa ng Buhay Ko, and Kambal Sirena.
Likewise, GMA Network and GMA Artist Center have arranged major endorsements and corporate partnerships for Aljur,” sabi ni Ms. Angela Javier - Cruz, AVP for Corporate Communications  ng GMA sa ipinadala nilang statement.

Mahabang proseso ito kaya tiyak na mabuburo muna ang actor.

 

Daniel Marsh nakipag-ayos na sa nakaalitang taxi driver

Sa tulong ng Wanted sa Radyo host na si Raffy Tulfo, nakipag-ayos na ang Irish-Filipino TV host na si Daniel Marsh sa nakaalitan nitong taxi driver na si Edward Villanueva nang sabay silang humarap sa programa ng Radyo5 noong Lunes, July 28, limang araw matapos ang naiulat na away ng dalawa dahil sa ‘di napagkasunduang bayad sa taxi.

Matapos aminin na nag-ugat ang kanilang away sa hindi pagkakaunawaan, minabuti nina Marsh at Villanueva na magkasundo at nangakong hindi magtatanim ng galit sa isa’t isa. Masaya ang da­lawa dahil natuldukan na ang isyung kinasasangkutan nila at makapagpapatuloy na sila sa kani-kanilang mga buhay.                                  

                                               

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ALESSANDRA

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ARTIST CENTER

BASTA EVERY DAY HAPPY

CENTER

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with