^

PSN Showbiz

Pati si Bea Binene maraming Kapuso talent gustong lumipat sa ABS-CBN

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May exodus na nga ba ng Kapuso artist sa Kapamilya Network?

Wala pang kasiguruhan ito, at parang na­banggit lang ng da­ting handler ni Jolina Magdangal na baka raw makita na rin ito sa Kapamilya Network. Hindi na ito pagtatak­han dahil orihinal namang Kapamilya si Jolina bago siya naging Kapuso. Ang parang pinagta­takhan ng marami ay ang pangyaya­ring parang may exodus ng mga GMA artists sa ABS-CBN. Marami sa kanila ang nakikitang naggi-guest sa mga programa ng Dos gayung dati ay bawal na bawal nilang gawin ito. Tulad ni JayR na hindi lamang solong na­pa­pano­od sa mga programa ng Kapamilya, nagkasama pa sila ni Kyla sa Kris TV na gumawa ng i­ngay dahil alam naman ng lahat na alaga ng GMA si Kyla. May isang panahon na pinagtapat sila ni Nina, si Nina para sa Dos at si Kyla naman sa Siete. Pero ang mas nakakagulat ay ang balitang pati raw si Bea Bi­nene ay nagbabalak ding pumakabilang bakod? Paano ang love team nila ni Jake Vargas?  Ano ang mang­yayari sa kanyang kapareha na balitang very much smitten sa nakababatang kapareha?  Katunayan, nagpa-tattoo pa ito ng pangalan ni Bea?

Kung magkakaroon ng ka­tuparan ang mga nasa­bing ba­lita ang siyang pa­ka­­­aabangan ng marami ngayon, dahil hin­di lang nag-iisang Ka­puso artist ang in­­volved, ma­rami sila kaya nagtataka ang ma­rami kung bakit parang sabay-sabay silang nagiging restless at naghahanap ng bagong matutuluyan. Bakit nga kaya?

Patrick ‘di dapat kalimutang may anak kay Jennylyn

Sana hindi makaapekto sa anak niya kay Jenny­lyn Mercado ang nakatakdang pagpapakasal ni Patrick Garcia sa non-showbiz girlfriend niya. Okay na sila ngayon ng aktres dahil ang nakapagpapabalik lamang sa kanilang hidwaan ay kung mapabayaan ni Patrick si Alex Jazz, at ang maasikaso na lamang ay ang magiging bago niyang pamilya. Sana sa halip na makalimot sa pinagdaanan nila ng panganay niya ay maging mas bonded pa silang mag-ama ngayong may anak na siyang iba at posibleng madagdagan pa dahil nga mag-aasawa na siya. Hindi naman kinakailangan ng panganay niya ng buong atensyon ni Patrick. Kailangan lamang nito na maramdaman na mahalaga siya sa kanyang ama tulad ng pagiging mahalaga niya sa kanyang  ina na itinuturing siyang pinakamahalagang bahagi ng buhay nito.

AiAi ginawa ang lahat para maging best actress

Talagang pinangangatawanan ni AiAi delas Alas ang pagpapaganda ng kanyang indie film at maging ng performance niya rito. Very open  ang komed­yante sa pagsasabi na talagang puntirya niya ang best actress award. Kaya nga pati paggawa ng mga sexy scenes ay sumabak na siya makumpleto lang ang rekado ng Ronda na nakatakdang mapanood sa Cinemalaya Film Festival.

“Best actress na lang sa isang indie film ang hindi ko napapanalunan. Kaya nag-i-effort ako na hindi magpatawa at sumabak sa matitinding eksenang drama. Gusto kong makita ng hurado na pwede rin akong dramatic actress,” pag-amin ng komedyante na pati aksyon ay sinubok din sa tinulungan niyang maprodyus na indie film.

 

vuukle comment

ALEX JAZZ

BEA BI

CINEMALAYA FILM FESTIVAL

JAKE VARGAS

JOLINA MAGDANGAL

KAPAMILYA

KAPAMILYA NETWORK

KYLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with