^

PSN Showbiz

Derek hindi pa rin mapatawad nang iniwang network

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matindi pa rin ang galit ng dating home studio ng hunk actor na si Derek Ramsay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin puwedeng banggitin ang kanyang pangalan ng kanyang mga co-stars sa pelikulang kanyang tinatampukan. Kahit image niya sa movie trailer ay hindi puwedeng ipakita sa a­linmang programa ng ABS-CBN. Second movie na ito bale ni Derek under Viva Films na hindi puwedeng banggitin ang kanyang pangalan sa dating TV network na kanyang kinabibilangan.

Sobrang nasaktan marahil ang pamunuan ng ABS-CBN nang lumipat ang hunk actor sa TV5 sa kabila ng kanilang ginawang pagbi-build-up sa kanya.  

Cristine gustong sundan ang yapak ng kanyang ate Ara

Mapangatawanan na kaya ni Cristine Reyes ang kanyang sinabi na last sexy movie na niya ang Trophy Wife na pinagsasamahan nila nina Derek Ramsay, Heart Evangelista, at John Estrada sa bakuran ng Viva Films?

Magmula nang magsimula si Cristine sa showbiz ay sexy na ang kanyang image kaya mahihirapan s­iyang burahin ito lalupa’t napakabata pa niya at hindi naman talaga maiaalis na sexy talaga siya. 

Pero kung ito talaga ang gusto at direksiyon ngayon ni Cristine, who are we to stop her? Gusto ni Cristine na makilala siya bilang isang seryosong aktres kesa bilang sexy star.

Sabagay, ang pagiging sexy star din ang naging puhunan ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ara Mina pero sa kalaunan ay unti-unti din niyang binago ang kanyang image at mas tumatak siya bilang isang seryosong aktres at singer, na siyang gustong sundan at gawin ni Cristine.

Kapuso Network mabubulabog sa pagpasok ni Ramon Ang

Tiyak na ang pagpasok ng pinakabagong major shareholder ng GMA Network at businessman na si G. Ramon Ang bago magtapos ang taong kasalukuyan.  At kapag nangyari ito, sigurado na magkakaroon ng mga pagbabago internally pagdating sa business operation ng kumpanya.  May narinig pa kaming balita na magiging active muli ang isa sa mga stockholder ng GMA na si G. Menardo Jimenez.

Anak ni Guy kay Boyet nag-iipon para magpakasal na!

Sinabi ng aktor na si Ian de Leon na pinag-iipunan na niya ang kanyang planong pagpapakasal sa kanyang non-showbiz girlfriend of several years na si Jennifer Orcine.

Sigurado na si Ian na si Jennifer na ang gusto niyang makasama habambuhay.

Umaasa ang actor na sana’y magkaroon siya ng bagong TV series para makaipon daw siya.

Samantala, natutuwa si Ian na getting closer sila ngayon ng kanyang Tita Lala Aunor at dalawang anak nitong sina Marion at Ashley. Si Lala ay si Ma­ribel Aunor, first cousin ng Superstar na si Nora Aunor at isa sa bumubuo noon ng Apat Na Sikat na kinabibilangan nina Winnie Santos (youngest sister ni Gov. Vilma Santos), Eddie Boy Villamayor (nakababatang kapatid ni Guy) at Arnold Gamboa.  Dekada `70 nang sumikat nang husto ang Apat na Sikat na brainchild ng yumaong komedyante at star builder na si Kuya Ike Lozada.

vuukle comment

APAT NA SIKAT

ARA MINA

ARNOLD GAMBOA

CRISTINE

CRISTINE REYES

IAN

KANYANG

RAMON ANG

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with