^

PSN Showbiz

Pamilya nina Billy and Coleen, magkasundung-magkasundo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Natuldukan na ang mga espekulasyon tungkol sa diumano’y matatamis na tinginan nina Billy Crawford at Coleen Garcia noon. Kamakailan ay umaming opisyal na ang relasyon ng dalawa. “Sinundo ko pa siya sa airport kasi kakarating lang niya galing States. Sabi niya, ‘Can you be my girlfriend?’ Sabi ko ‘Okay’, pero nakailang tanong siya muna,” nakangiting kwento ni Coleen.

“I just felt like asking again,” bungad naman ni Billy. Kahit ngayon lamang naging opisyal ang relasyon ng magkasintahan ay noon pa raw sila bukas sa pagsasabi na mayroon silang nararamdaman para sa isa’t isa.

“Kasi it was like we were already there anyway and all that was missing was really the label. Pero ‘yung feelings naman, it’s been there naman,” paliwanag ni Coleen. Kasundung-kasundo na rin daw ni Billy ang buong pamilya ng aktres ngayon.

“I think that’s what really matters to me also, that’s what I was waiting for. I really want him to get along with my family. Pero the fact na pati ‘yung pamilya namin, they get along, it’s really a big bonus,” pagbabahagi ng dalaga.

 “She knows exactly what I feel for her. I really also just want to be with the best man I can be. Learn from my mistakes and be there for her,” sagot naman ng binata.

Sunshine takot nang magkamali sa lalaki

Mahigit isang taon nang hiwalay sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Kahit walang karelasyon ngayon ay masayang-masaya naman daw ang aktres dahil sa kanyang karera.

“I am very happy. Kahit medyo puyat sa taping, happy lahat. Pinagkakatiwalaan pa rin ako,” nakangiting bungad ni Sunshine. Nakapag-uusap na lamang ang aktres at si Cesar sa pamamagitan ng Facebook. Hindi raw naghahangad si Sunshine ng mga materyal na bagay mula sa aktor para sa kanilang tatlong anak.

“I just hope na magbigay siya ng enough time for them. Kailangan ng kids ng tatay. Nami-miss nila ang dad nila. Sinasabi ko na lang busy siya,” makahulugang pahayag ng aktres. Kahit hindi pa annulled ang kasal nina Cesar at Sunshine ay mayroong ilang mga lalaki na raw ang nangungulit sa aktres sa text messages. Hindi raw maaaring magpadalos-dalos na lamang ang aktres sa pagdedesisyon lalo pa’t minsan na rin siyang nagkamali.

“Nagkamali na ako minsan. Hindi na ako dapat magkamali ulit. Hindi naman sa nilalahat ko, pero ang mga lalaki bolero,” giit pa niya. 

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKTRES

BILLY CRAWFORD

CESAR MONTANO

COLEEN

COLEEN GARCIA

KAHIT

PERO

SABI

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with