^

PSN Showbiz

Pero sex video ni Paolo mas nag-trending Kris kinabog si P-Noy at mga kapatid sa pagluha sa SONA

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pinag-uusapan na mas nag-trending pa ang isyu ng alleged sex video ni Paolo Bediones kesa sa State of the Nation Address ni P-Noy.

Believable ang tsismis dahil maraming Pinoy ang mas interesado na mapanood ang sex video kesa pakinggan ang report ni P-Noy sa kanyang mga boss.

Kung hindi ako nagkakamali, kahapon ang l­ongest SONA ni P-Noy at first time niya na naging emosyonal habang nagsasalita.

Hindi naman pumatak ang luha ni P-Noy dahil nakontrol nito ang sarili. Natalbugan pa nga siya ni Kris Aquino na naapektuhan nang husto at panay ang pahid ng luha. Pati ang ibang Aquino sisters, naging emosyonal pero nakapag-kontrol din ng kanilang mga damdamin.

P-Noy idol si Papa Mike Enriquez?!

In fairness to P-Noy, hindi siya nagparinig sa mga senador na naka-detain sa Camp Crame dahil isi­nangkot sa PDAF scandal.

Mas narinig ko pa ang mga “Excuse me po” ni P-Noy dahil sa maraming beses na pagkakasamid niya habang nagsasalita. Na-miss ko tuloy si Papa Mike Enriquez dahil siya ang nagpasikat at nagpauso sa “Excuse me po!”

Interbyu at pagmumura ni Paolo dahil sa video scandal, peke!

Fake ang video ng interview kuno kay Paolo Bediones tungkol sa kanyang alleged sex video. Fake dahil hindi pa nagsasalita si Paolo. Fake dahil hindi ang tipo ni Paolo ang magmumura habang nagpapainterbyu.

Nabulabog ang tahimik na mundo ni Paolo nang pumutok ang balita na may sex video siya. May mga salbahe na tinawag siya na “Paolo Video-nes”. Sila ang mga tao na mapanghusga at kaligayahan na ang manakit ng kapwa.

Lilipas din ang isyu tulad ng paglipas ng kontrobersya tungkol sa mga sex video scandal nina Hayden Kho, Jr. at Chito Miranda.

Asawa ni Alfred bongga ang terno, gown ni Sen. Binay hindi ko maintindihan

Hindi ko pa nakakausap si Alfred Vargas kaya hindi ko pa naitatanong sa kanya ang name ng designer na gumawa ng gown ng misis niya na si Yasmine.

Classy at elegant ang modern terno na suot ni Yasmine. Walang mag-iisip na may dalawang anak na si Yasmine dahil na-maintain niya ang magandang shape ng katawan.

Hindi ko tinutukan ang SONA ni P-Noy kaya hindi ko na-sight ang mga gown na suot ng ibang mga bisita.

Pero napansin ko ang dalawang beses na pagpapalit ng damit ni Senator Nancy Binay. Sa totoo lang, hindi ako maka-relate sa unang gown na ginamit ni Mama Nancy na hanggang ngayon eh hindi pa rin tinutupad ang Thanksgiving party na pangako niya sa entertainment press na malaki ang naitulong sa kanyang kampanya noong 2013.

Baka naman busy talaga si Mama Nancy o satisfied na ito dahil magkasundo na sila ni Vice Ganda kaya dedma na siya sa kanyang pangako sa entertainment press?

Heart nakalimutang i-promote ang sariling pelikula

Punumpuno ng mga isyu ang Startalk noong Sabado kaya hindi na nakapag-promote si Heart Evangelista ng Trophy Wife, ang pelikula ng Viva Films na showing na bukas sa mga sinehan.

Nakalimutan kasi ni Heart na i-plug ang Trophy Wife sa umpisa ng aming show. Hindi na kami na­bigyan ng chance na makabalik dahil sa rami ng mga VTR interview na mas priority na ipakita.

Ngayong gabi ang red carpet premiere ng Trophy Wife sa Glorietta Cinema (6 p.m.) at SM Megamall Cinema (8 p.m.). Parehong pupuntahan ni Heart ang magkasunod na red carpet premiere ng movie nila nina Cristine Reyes, John Estrada, at Derek Ramsay.

vuukle comment

DAHIL

MAMA NANCY

NOY

P-NOY

PAOLO BEDIONES

PAPA MIKE ENRIQUEZ

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with