^

PSN Showbiz

Lovi nakatikim din kay Marian

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Punung-puno ang Grand Ballroom ng Solaire Resorts and Casino dahil sa Macho Gwapita concert nina Rico Puno at AiAi delas Alas nung kamakalawa ng gabi.

Inatake ng asthma si AiAi kaya hirap na hirap ito kumanta. Mabuti at sinasalo na lang ito ng back-up singers nila kaya naitawid naman niya ang naturang concert.

Waging-wagi talaga sa audience ang kabastusan nilang dalawa kaya kahit umuubu-ubo ang Comedy Concert Queen, patok na patok pa rin ito sa mga manonood.

Maraming sundalo ang nanood doon at nabanggit ni AiAi na ang bagong dyowa raw niya ngayon ay anak ng sundalo.

Duda namin, nandun itong bagong non-showbiz boyfriend ni AiAi, pero walang nakakakilala.

May nakakita raw sa kanila minsan na sobrang sweet nilang dalawa at ang guwapo raw nitong lalaki.

PAK: Pinag-uusapan sa Sunday All Stars kahapon ng hapon ang isnaban daw nina Marian Rivera at Lovi Poe.

Marami raw ang nakapansin na si Soleen Heussaff lang ang binati ni Ma­rian at parang napaismid daw si Lovi.

Dahil kaya sa inisnab din daw ni Lovi si Marian sa parking lot ng GMA 7 kamakailan lang?

BOOM: Hindi dadalo si Cong. Lani Mercado sa State of the Nation Address (SONA) mamayang hapon. Pero maaga pa lang ay nasa kongreso na ito dahil pipirma lang siya sa attendance.

May mga events daw sa Tagaytay, at kung papayagan daw siya, dadalawin niya si Sen. Bong Revilla sa Camp Crame.

Samantala, nagulat si Lani na tumaas pala siya sa survey sa mga senatoriables.

Hindi naman daw siya pumupronta sa mga senatoriables at wala naman daw siyang balak na tumakbong senador, kaya nagulat siya bakit napasama pa siya sa survey na puwedeng tumakbo sa senado.

vuukle comment

BONG REVILLA

CAMP CRAME

COMEDY CONCERT QUEEN

DAW

GRAND BALLROOM

LANI MERCADO

LOVI

LOVI POE

MACHO GWAPITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with