^

PSN Showbiz

Julia nahasa ang akting kahit pinatay sa Ikaw Lamang

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Biyernes ay namatay na ang karakter ni Julia Montes sa teleseryeng Ikaw Lamang. Sobra ang pasasalamat ng aktres dahil naging bahagi siya ng malaking proyektong ito. Malaking karangalan daw para kay Julia na nakatrabaho niya ang malalaking artista katulad nina Coco Martin at Kim Chiu.

“Bago pa man magsimula ‘yung Ikaw Lamang sobrang kinakabahan ako kasi iniisip ko kung kaya ko bang makipagsabayan sa mga bigating artistang kasama sa cast,” bungad ni Julia. “Pero nawala agad ang takot ko dahil lahat ng co-stars ko tinulungan akong mas mabigyang hustisya ang role ko bilang si Mona. Masasabi kong mas nahasa ako bilang isang aktres dahil sa kanila at sa show,” dagdag ng aktres.

Nagpasalamat din si Julia sa lahat ng mga tagahanga na sumuporta sa kanya sa nasabing serye. “Sa lahat ng tumutok at naka-relate, nasaktan at natuwa kay Mona, maraming-maraming salamat po. Ito ‘yung show na masasabi kong pinaka-close ko ang lahat. Kumbaga, hindi mo maiisip na nagtatrabaho ka. More than family ang turing ko sa kanila,” pagtatapos ng dalaga.

Jaclyn walang paki sa pagiging party girl ni Andi

Kamakailan ay inamin ni Andi Eigenmann na umalis na siya sa poder ng inang si Jaclyn Jose. Ngayon ay nakatira na si Andi kasama ng anak na si Ellie sa isang bagong condominium unit na nabili ng aktres. Para naman kay Jaclyn ay matagal na raw niyang iniisip na talagang magsasarili na ang anak. “Siyempre magkakapamilya din siya. Hindi niya ako masasabihan na ‘Binawalan mo ako.’ Gusto ko mahal niya ‘yung anak niya. Nakita ko naman ‘yung maturity, ‘yung focus niya sa life. Meron siyang goal, meron siyang gustong maabot at mapatunayan,” paliwanag ni Jaclyn. “Noon masakit, talagang hinanda ko ‘yung sarili ko. Pero eventually na-realize ko na let her live her life. Para matuto siya, kasi kung ako lahat mag-aasikaso, paano? Tapos uubusin din ang pera niya, pero kung meron siyang paglalaanan, matututo siya maging responsible. Hangga’t nandiyan ako hindi siya magiging responsible,” paliwanag ni Jaclyn.

Samantala, pagdating sa buhay pag-ibig ni Andi ay hindi na rin daw nakikialam ngayon si Jaclyn. “Hindi ko na pinakikialaman para wala na kaming gulo. Iniiwasan ko na kaming mag-away. Na-trauma ako, ayaw ko nang maulit,” giit ng aktres. Ipinagtanggol din ni Jaclyn si Andi tungkol sa diumano’y pagiging ‘party girl’ nito at palagi raw iniiwan si Ellie sa bahay upang makagimik. “She likes socializing. Kaya sabi ko sa kanya, huwag maging dahilan si Ellie from stopping you from doing things you like. Go ahead, ako na ang bahala kay Ellie. Ako naman ang nagsasabi sa kanya noon. ‘Go enjoy your life,’” paglilinaw ni Jaclyn.              Reports from JAMES C. CANTOS

                                                        

vuukle comment

AKO

ANDI

ANDI EIGENMANN

ELLIE

IKAW LAMANG

JACLYN

JULIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with