^

PSN Showbiz

Aljur nasulsulan lang?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

May mga nagsasabi na parang “naghukay ng sarili niyang libingan” ang hunk young actor na si Aljur Abrenica sa kanyang pagsampa ng kaso laban sa kanyang home studio, ang GMA 7 kung saan niya gustong magpa-release ng kanyang kontrata.

Tatlong taon pa ang validity ng kontratang pinir­mahan ni Aljur sa Kapuso Network at hindi siya basta-basta makakawala sa kanyang kontrata.

Kung walang ginawa sa kanya ang kanyang home studio, hindi naman siguro niya mararating ang status niya ngayon. Katunayan, last month lamang nagtapos ang kanyang huling TV series, ang Kambal Sirena na pinagtambalan nila ni Louise delos Reyes.

Ang chairman/CEO ng GMA na si Atty. Felipe Gozon ay isang abogado at isa ring negosyante at hindi ito magpapabaya pagdating sa hamon ni Aljur for a legal battle.    

Sampaguita Studios isa nang bonggang events place!

Sa soft-opening ng pinakabagong events place in Quezon City, ang Sampaguita Gardens along Velencia Street last Friday evening, naging usap-usapan din sa mga umpukan ang tungkol sa pagsasampa ng kaso ni Aljur Abrenica at base sa aming mga narinig, walang pumanig sa kanya at maling-mali raw ang ginawa ng hunk actor.

Samantala, napakaganda nang ginawa ng magkakapatid na Vera-Pe­rezes na pinangungunahan ni Manay Ichu Vera-Perez-Maceda when they converted the old Vera-Perez Garden, Sampaguita Studios and their ancestral home na maging events place.

Lahat ng mga dumalong bisita ay na-amaze sa ganda ng lugar, kung saan ang limang accredited at kilalang catering services ay tila nagpaligsahan sa iba’t ibang masasarap na pagkain na kanilang inihain. Kami na mismo ang sumuko sa sarap at rami ng mga pagkain.

Although madalas kaming mapunta sa Sampaguita compound, never pa kami pumasok sa loob mismo ng ancestral house ng Vera-Perez until last Friday evening nang ilibot kami sa buong lugar at kabahayan ni Manay Ichu who proudly showed us her beautiful flower arrangements.

Ilan sa mga personalidad na inabutan namin doon ay ang movie queen at Sampaguita star na si Susan Roces, Regal matriarch Mother Lily Mon­­teverde, banker Danny Dolor, TAPE, Inc. la­dy executive Malou Choa-Fagar, actor-director Eric Quizon, talent managers Dolor Guevarra and Shirley Kuan and veteran entertainment writer Ronald Constantino. Naroon din siyempre ang mag-asawang si dating Speaker Joe de Venecia at Rep. Gina de Venecia, ang QC Vice-Mayor na si Joy Belmonte, ang magkakapatid na Chona, Lilibeth, at Betchay, mga anak ni Manay Ichu Ma­ceda, other relatives and friends.

Ang Sampaguita Gardens ay perfect for weddings, debuts and birthdays, private parties and conferences.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG SAMPAGUITA GARDENS

DANNY DOLOR

DOLOR GUEVARRA AND SHIRLEY KUAN

ERIC QUIZON

FELIPE GOZON

JOY BELMONTE

SAMPAGUITA STUDIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with