^

PSN Showbiz

‘Di na nakakabayad sa bahay, nahila pa ang kotse: Gay comedian nauubos ang pera sa sugal

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malakas kumita ang isang gay stand-up comedian. Kaliwa’t kanan ang kanyang raket, nakaaaliw naman kasi talaga siyang magkomedya, kanyang-kanya lang ang uri ng pagpapatawang meron siya.

Hindi ‘yun kayang plakaduhin ng ibang komedyante, siya lang ang may pasaporteng gumawa nu’n, dahil sa ginagawa niyang panggagaya sa isang malaking bituing babae.

Pero malakas man siyang kumita ay mabiis ding nauubos ‘yun. Parang hangin lang ‘yun na dumadaan sa kanyang mga kamay dahil sa isang bisyong matagal na niyang gustong ihinto pero hindi niya pa rin magawa-gawa.

Pati ang upa niya sa bahay ay napababayaan na rin niya, gasgas na ang suwelas ng sapatos ng kanyang land lady sa pagpapabalik-balik sa paniningil sa kanya, pero wala siyang maiabot.

Kuwento ng aming source, “Pinapatay na lang niya ang ilaw kapag nasa bahay na siya. Magkatabi lang ang house nila ng owner, kaya ingat na ingat siyang matiyempuhan. Umaandar ang electric fan niya, pero nasa number one lang. Baka kasi marinig ng land lady niya kapag malakas ‘yun.

 “Kapag naliligo siya, e, walang kaingay-ingay. Dahan-dahan siya sa pagbubuhos, talagang ingat na ingat siya, dahil baka marinig ng may-ari ang malakas na ingay sa loob ng banyo niya.

 “Palaging patay ang ilaw niya, kapa lang siya nang kapa ng mga kagamitan niya, mahirap na raw kasing makaramdam ang land lady niya na nandu’n siya, sisingilin na naman siya na may kasamang pananaray,” kuwento ng aming impormante.

Ngayon ay nahila na rin ang kotse ng gay stand-up comedian, napabayaan na rin kasi niya ang buwanang hulog nu’n sa kapipindot niya sa E-Games, pa-taxi-taxi na lang uli siya ngayon.

 “Napakalakas kasi niyang mag-bet, basta may ha wak siyang pera, ariba lang siya nang ariba. Malakas siyang magpatalo sa sugal, kaya ang mga obligasyon niya, puro sablay!

 “Pinapayuhan na siyang tumigil ng mga kaibigan niya, pero matigas ang ulo ng baklang ‘yun! Sugal pa rin siya nang sugal, wala siyang napapakinabangan sa mga pinaghihirapan niya. Walang himala sa pagsusugal, wala!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Robin at Mariel plantsado na sa Talentadong Pinoy

Malakas ang ikot ng balita na ang kumpirmado nang papalit kay Ryan Agoncillo bilang host ng Talentadong Pinoy ay ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Nang ayawan na ni Ryan ang pagho-host sa talent show ay unang inialok ‘yun kay Willie Revillame, pero hindi nito tinanggap, mas gusto ni Willie na ang kanyang dating variety show ang ibalik ng TV5 kesa sa isang programang hindi naman ito ang orihinal na host.

Nabanggit din sa mga pinamimiliang pumalit kay Ryan sina Edu Manzano, Ogie Alcasid, Marvin Agustin at Richard Gomez. Pero ang malakas ang ingay ngayon ay sina Robin at Mariel na ang magpapatuloy sa Talentadong Pinoy ng TV5.

Bakit nga ang hindi? Magaling na host si Mariel, kaya nitong punuan at alalayan ang mga kakapusan ni Robin, interesanteng mapanood ang mag-asawa sa mga ganu’ng klase ng atake.

Malawak na ang naaabot ng Talentadong Pinoy, maraming kababayan na nating may itinatagong talento ang nabibigyan ng pagkakataong makilala ng show, puwedeng mapalitan ang host ng programa pero ang show mismo ay nand’yan pa rin.

Sana nga’y kumpirmadong sina Robin at Mariel na ang papalit na hosts ng Talentadong Pinoy, panibagong hamon ito kapag nagkataon sa kakayahan ni Robin Padilla, ngayon niya mapatutunayan na hindi lang siya pang-action kundi pang-talent search pa.

Kuwento ng aming source ay plantsado na ang usapan, implementasyon na lang ang kailangan, sina Robin at Mariel na ang hahawak ng Talentadong Pinoy ng TV5.

vuukle comment

LANG

MARIEL

NIYA

PERO

ROBIN PADILLA

SIYA

SIYANG

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with