^

PSN Showbiz

Mylene dyowa na si Jason Webb!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Si Jason Webb na ang bagong kasintahan ni Mylene Dizon. May dalawang anak na babae si Jason kay Claudine Trillo habang dalawang lalaki naman ang naging anak nina Mylene at Paolo Paraiso. “I’m in a relationship with Jason Webb, not yet one year,” bungad ni Mylene. Kahit may bagong karelasyon na ay magkaibigan pa rin daw sila ni Paolo hanggang ngayon. “Nagtatawagan, nagti-text-an kami or we’ll send pictures kapag may mga cute pics ang mga bata,” kwento ng aktres.

May sikreto raw sina Mylene at Paolo kaya patuloy pa rin ang komunikasyon ng dalawa. “Honesty, open communication. Just be frank. Say what you mean, mean what you say. Kailangan naming mag-agree and disagree because we are trying to raise children,” giit ni Mylene.

Wala raw problema kay Jason ang pagiging malapit pa rin sa isa’t isa nina Mylene at Paolo.

Samantala, magbibida si Mylene sa pelikulang Mariquina na isang Cinemalaya entry at ipalalabas sa August 4. Dapat daw ay si Judy Ann Santos ang gaganap sa nasabing proyekto pero wala naman daw naging problema kay Mylene kung naging second choice lamang siya para dito.

AiAi gustong manahimik sa idini-date na non-showbiz guy

Pinayuhan ni AiAi delas Alas ang kaibigang si Aljur Abrenica kaugnay sa problema ngayon ng aktor sa GMA 7. Gusto nang makaalis ni Aljur sa pamamahala at sa bakuran ng Kapuso network dahil sa ilang mga kadahilanan. “Tatagan niya ang loob niya. Kumuha siya ng ibang consultant regarding sa matter na ito. Medyo mabigat ito at maraming involved dito. Lalabas dito ang tungkol sa utang na loob. Bakit ganito, pamilya mo iiwan mo,” seryosong pahayag ni AiAi.

Ayon sa aktres ay gusto rin niyang makausap si Aljur kahit sa telepono lamang. “Tatawagan ko siya at bibigyan ko ng payo. Close kami,” dagdag ng Comedy Queen.

Kung si AiAi lamang daw ang masusunod ay mas gusto niyang sa tahimik na paraan na lamang ayusin ni Aljur ang problema sa nasabing istasyon. “Naging maingay na. Sana tahimik na lang ang ginawa sa mga bagay-bagay. ‘Yan ang sinasabi sa akin ni Boy (Abunda), hanggang maaari, kung kaya mong tumahimik at hindi mag-react, at mag-chill, gawin mo,” pagbabahagi ni AiAi.

Samantala, masaya raw ang aktres ngayon kahit walang karelasyon. Matatandaang pinakasalan ng aktres si Jed Salang noong isang taon subalit nag-divorce din kamakailan lamang. “Gusto ko tahimik na buhay. Konting tsismis, okay lang. Kapag maraming tsismis sa love life ko, ayoko na,” giit pa niya. Isang non-showbiz guy daw ang mas kinikilala pa ngayon ng aktres pero aprubado na raw ito ng mga anak ni AiAi para sa ina. Reports from JAMES C. CANTOS                                                                        

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

CLAUDINE TRILLO

COMEDY QUEEN

JASON WEBB

JED SALANG

JUDY ANN SANTOS

MYLENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with