^

PSN Showbiz

‘Pag hindi pa sumipot sa korte: Cameraman na naduwag tumestigo laban kina Cedric Lee, aarestuhin na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May update si Papa Tony Calvento tungkol sa hearing ng Petition for Bail nina Cedric Lee, Zimmer Raz, at Deniece Cornejo sa Taguig Metropolitan Trial Court noong Biyernes.

Nag-worry ang mga supporter ni Vhong Navarro dahil sa balita ni Papa Tony na tumangging tumestigo sa korte ang cameraman ng ABS-CBN dahil natatakot ito para sa buhay niya at ng kanyang pamilya.

Hindi muna binanggit ni Papa Tony ang pangalan ng natatakot na cameraman na muling ipinapatawag sa korte sa August 13. Kapag sinuway pa rin ng cameraman ang utos ng korte, mapipilitan ang judge na may hawak ng kaso na ipaaresto siya.

Patalbugan ng alindog nina Heart at Cristine inaabangan na!

Tatlong araw na lang ang ipaghihintay ng moviegoers na excited nang mapanood ang Trophy Wife ng Viva Films.

Hindi raw nila palalampasin ang Trophy Wife dahil sa nakakaintriga na trailer nito at siyempre, excited na sila na makita ang patalbugan sa paseksihan nina Cristine Reyes at Heart Evangelista.

Sa mga hindi makapaghintay sa July 30 playdate ng Trophy Wife, magkakaroon ito ng dalawang premiere screening sa July 29, sa Glorietta Cinema, 6 pm at sa SM Megamall Cinema, 8 pm.

Holiday sa July 29 dahil sa pagtatapos ng month-long Eid’l Fitr o Ramadan na isang holy month of the year para sa ating mga kapatid na Muslim.

Derek hindi talaga nabanggit ni Cristine sa Showtime

Totoo pala ang balita na hindi puwedeng banggitin ang pangalan ni Derek Ramsay sa promo ng Trophy Wife sa ABS-CBN.

Guest kahapon si Cristine Reyes sa It’s Showtime para i-promote ang pelikula nila nina Heart Evangelista, John Estrada, at Derek.

Sa kanyang tatlong kasama sa Trophy Wife, ang mga pangalan lang nina Heart at John ang binanggit ni Cristine. Ayon sa isang nakapanood sa It’s Showtime, hindi rin ipinakita ang mukha ni Derek sa poster dahil nakasentro sa mukha nina John, Cristine, at Heart ang TV camera.

Sinagot ni Derek sa last presscon ng Trophy Wife ang isyu nila ng ABS-CBN. Aware siya na bawal banggitin ang kanyang pangalan sa mga programa ng Kapamilya Network.

Hoping si Derek na darating ang araw na magiging maganda uli ang relasyon niya sa TV station na kanyang pinanggalingan.

Tumatanaw si Derek ng utang na loob sa Kapamilya Network. Hindi niya nakakalimutan na nakilala siya dahil sa mga project na ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

vuukle comment

CEDRIC LEE

CRISTINE

CRISTINE REYES

DENIECE CORNEJO

DEREK

HEART EVANGELISTA

KAPAMILYA NETWORK

PAPA TONY

SHOWTIME

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with