^

PSN Showbiz

Pauleen itinanggi ang problema kay Vic

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Excited ang mag-amang Benjie at Andrei Paras sa nalalapit na pag-uwi ni Kobe Paras.

Sasali kasi si Kobe sa FIBA U-18 Championships na gaganapin sa Doha, Qatar.

Sabi ni Andrei, sobrang miss na miss niya ang kanyang kapatid kaya iha-hug daw niya ito nang matagal.

Mabuti at pinayagan daw si Kobe ng school na pinag-aaralan niya sa Amerika, dahil nasa bakasyon daw ito.

 “Actually, sandali lang ang vacation na binigay sa kanya at napakiusapan lang na i-extend for another 2 weeks to play for the national team sa Doha, pumayag naman,” pahayag ni Benjie na proud na proud sa kanyang mga anak.

PAK: Natawa si Ricky Davao sa komento ni Jason Abalos na malambot daw ang labi nito. Sinagot din ni Ricky na malambot din daw ang labi ni Jason.

May kissing scene ang dalawang aktor sa pelikulang Separados na entry ni Direk GB Sampedro sa New Breed category ng Cinemalaya X na magsisimula na sa August 1.

Sa pagkakaalala ni Ricky, mga pitong aktor na raw ang nakahalikan niya, pero ang isa sa memorable na nakahalikan niya ay si Allan Paule sa pelikulang Lalaki sa Buhay ni Selya.

Nung panahong iyun ay nakaburol daw ang anak ni Allan, pero kailangan daw niyang gawin ang eksena para matapos na siya at makabalik na ng Maynila.

Itong sa kanila raw ni Jason ay may halong kilig-kiligan at nadamay daw siya sa kilig ni Jason.

 BOOM: Hindi napigilan ni Pauleen Luna na mag-react sa lumabas sa isang diyaryo kahapon na on the rocks daw ang relasyon nila ni Vic Sotto dahil sa selos.

Nagseselos daw si Pauleen sa isang co-host nilang Koreana na winner sa It’s My Foreignay, at pati raw kay Marian Rivera.

 “Sobrang hindi po totoo ‘yan,” bulalas ni Pauleen.

Maayos daw ang trabaho nila sa Eat Bulaga sa mga kasamahan niyang co-hosts, hindi raw sila nagkaroon ng conflict ni Bossing Vic tungkol dun.

Nasulat pa raw na taga-Bulaga ang source na pinagdudahan ni Pauleen kung taga-Bulaga ba talaga ang source nila.

Nakikita naman daw doon sa Eat Bulaga studio na masaya at okay na okay daw sila ni Bossing Vic.                                                          

vuukle comment

ALLAN PAULE

ANDREI PARAS

BENJIE

BOSSING VIC

BULAGA

DAW

EAT BULAGA

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with