^

PSN Showbiz

Sigaw ng bayan: Aljur walang utang na loob; Ricky sanay nang makipaghalikan sa lalaki

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang denial ng 71 Gramercy management na pugad ng mga drug addict ang kanilang bar.

Ang 71 Gramercy ang favorite hang out ng mga sikat na artista at kasali sa listahan ng mga bar sa Metro Manila na binabantayan ng mga awtoridad dahil sa report na tambay roon ang mga sugapa sa ipinagbabawal na gamot.

SCENE: Nalambutan si Jason Abalos sa labi ni Ricky Davao sa kissing scene nila sa S6parados.

Hindi na bago kay Ricky ang pakikipaghalikan sa kapwa lalake dahil maraming beses na siyang gumaganap na gay sa pelikula.

SEEN:  May mga naniniwala sa  paliwanag ng Juan Direction member na si  Daniel Marsh na P500 ang sinisingil sa kanya ng taxi driver na si Edward Villanueva para sa P78.50 na taxi fare mula The Fort hanggang Mandaluyong City kaya umabot sa bugbugan ang kanilang pagtatalo.

SEEN: Mahihirapan si Aljur Abrenica na kumawala sa GMA Network Inc. dahil mahigpit ang exclusive contract niya sa GMA 7.
Kahit sinasabi ni Aljur na tumanataw siya ng utang na loob sa GMA 7, wala siyang utang na loob ang nagkakaisang opinyon ng nakararami.

SCENE: Pinaigsian ni Anne Curtis ang  buhok para  new look siya sa pagbabalik niya sa Pilipinas pagkatapos ng ilang araw na pagbabakasyon sa Melbourne, Australia.

SEEN: Si James Yap at ang kanyang girlfriend na si Michela Cazzola sa NAIA noong Huwebes dahil magbabakasyon sila sa Italy.

SCENE: Sa August 10 ang pilot telecast ng Quiet Please, Bawal Ang Maingay, ang game show ni Richard Gomez sa TV5.

Bawal mag-ingay ang mga contestant ng Quiet Please habang ginagawa ang mga pagsubok sa kanila ni Richard at ng co-host nito na si K Brosas.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANNE CURTIS

BAWAL ANG MAINGAY

DANIEL MARSH

EDWARD VILLANUEVA

JAMES YAP

JASON ABALOS

QUIET PLEASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with