^

PSN Showbiz

Umaabot hanggang take six! Hunk actor na hindi marunong umarte, over ang pagiging reklamador

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang akala ng mga miron ay wala pang magandang role na dapat gampanan sa mga teleseryeng ginagawa ng kanilang network ang isang hunk actor kaya wala pa siyang project ngayon.

Iniisip naman ng iba na siguro’y mapili raw ang hunk actor, baka ayaw niyang umarte kung maigsi lang naman ang papel na gagampanan niya, kaya wala pa siyang proyekto.

Pero iba ang mga kuwentong lumalabas kung bakit matumal ang trabaho para sa kanya, dahil ayon sa isang source na mula mismo sa kanilang network, “Mahirap siyang katrabaho. Hindi siya sumpungin, maldito siya! Wala siyang PR, kung umasta siya, e, parang siya ang bida sa istorya.

 “Hirap makitungo sa kanya ang production, naiirita sila, dahil masyadong matanong sa work niya si ____(pangalan ng reklamador na hunk actor). Para siyang naiinip na parang ewan.

 “Alam niya namang kauumpisa pa lang nila, e, tanong na siya nang tanong kung ilan pang sequences ang gagawin niya. Nakakadalawa pa lang siya, gusto na niyang makauwi agad-agad?” sarkastikong kuwento ng impormante.

Mabuti raw sana kung magaling umarte ang lalaking personalidad, pero hindi naman siya ganu’n kagaling, napakasuwerte na nga kung nakaka-take one siya sa mga simpleng eksena lang. Kadalasan, take three siya. At kung pahirapan ang mga dialogues, take six pa nga siya.

 “Kaya wala siyang karapatang mang-usisa kung ilang sequence pa ang gagawin niya dahil kung gusto na niyang makauwi, mas gusto naman ng production na mawala na siya sa location!” natatawa pang komento ng aming source.

Dahil sa ugali ng hunk actor ay iniiwasan na siyang makatrabaho ng produksiyon, sakit ng ulo ang turing sa kanya, dahil bukod sa hindi na nga siya marunong umarte ay mareklamo pa siya.

Ang pangalan ng hunk actor na ito ay katunog ng ginagawa ng mga kababaihan kapag lumulusog sila. Nagbabawas sila ng pagkain.

Claudine naduduwag na sa mga kalaban?!

Kalat na kalat nu’n sa bakuran ng ABS-CBN ang ginawang pangha-harass ni Claudine Barretto sa isang babaeng nakarelasyon ni Raymart Santiago na nagtatrabaho sa isang departamento ng network.

Tapos na ang relas­yon ni Raymart sa babae, matagal na panahon na bago pa naging sila, pero tanong ng marami ay bakit matindi pa rin ang galit ni Claudine sa babae?

May mga pagkaka­taong bigla na lang napa-flat ang gulong ng sasakyan ng ex ni Raymart, wala namang gagawa nu’n sa kanyang sasakyan, si Claudine at ang kanyang mga alipores ang itinuturong gumagawa ng ganu’n sa kotse ng girl.

Pero ang pinakamatindi ay nang padalhan ni Claudine ng korona ng patay ang ex ni Raymart sa mismong bahay nito, du’n na hindi nakapagpigil ang babae, nagsumbong na ito sa mga bossing ng istasyon.

Kinausap si Claudine ng mga tagapamuno ng network, pinagsabihang tigilan na ang ex ni Raymart, pero hindi pa rin ito tinantanan ng aktres. Sa text naman ito kinalampag ni Claudine.

Wala lang, naalala lang namin ‘yun, dahil sa mga kuwentong umiikot ngayon kung paano rin bulabugin ni Claudine ang abogado ni Raymart na si Attorney Ruth Castelo at ang kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie.

Maganda naman siya, pero bakit nga kaya matindi pa rin ang insecurity ni Claudine, marami siyang inaaway nang personal at parang wala siyang katahimikan ng kalooban.

Sa kanya dapat manggaling ang tiwala sa kanyang sarili, siya dapat ang unang makaramdam na sigurado na siya sa sarili niya, na walang kahit sinong puwedeng tuminag sa kanya.

Ang pinalulutang na katapangan ngayon ni Claudine ay huwad, sa kaloob-looban ng kanyang puso ay alam niyang duwag siya, kaya idinadaan na lang niya sa pamemersonal at pagmamaldita ang mga laban na kinakaharap niya.

vuukle comment

CLAUDINE

KUNG

LANG

NIYA

RAYMART

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with