^

PSN Showbiz

Dingdong naiyak sa malalakas na sampal ni Maricel

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Proud na proud si AiAi delas Alas sa pelikulang Ronda niya na entry sa New Breed Category ng Cinemalaya X.

Kaya ipinapanood niya sa amin ang rushes nito nung kamaka­lawa ng gabi at ibang-iba nga ang akting niya, na hindi namin napanood sa mga nakaraan niyang pelikula.

 “Talagang iba ‘yun, dahil sabi sa akin ni Direk huwag daw ako umarte  na artista ako rito. Huwag daw akong umanggulo, basta sabi ni Direk huwag kong umarteng artista,” pahayag ng box-office at Comedy Concert Queen.

Ayaw na raw niyang umasang manalo siyang Best Actress, basta nagawa raw niya ang hinihingi ni Direk Nick Olanka at nang napanood niya ito, kuntento siya sa nagawa niya sa pelikulang ito.

PAK: Hindi napigilan ng staff ng Ang Dalawang Mrs. Real ang maluha sa sobrang awa nila kay Dingdong Dantes na sinampal ni Maricel Soriano nang bonggang-bongga sa mabigat na eksenang ginawa nila nang nalaman ng huli ang tungkol sa pagpapakasal kay Lovi Poe.

Binilang daw nila, 24 times daw na sinampal ni Marya si Dingdong, at hindi nga raw napigilan ng aktor na tumulo ang sipon nito habang sinasampal siya ng Diamond Star.

Nung kamakalawa ng hapon ay kinunan na rin ang sampal ni Maricel kay Lovi, at nawindang din daw si Lovi sa mag-asawang sampal na pinakawalan ni Maricel.

BOOM: Marami ang nag-react at hindi pabor sa desisyon ni Aljur Abrenica na magpa-release sa kontrata niya sa GMA 7.

Maingat ang Kapuso hunk actor sa mga sagot niya, pero hindi pa rin maganda ang dating dahil lumalabas na walang utang na loob ito sa laki nang nagawa sa kanya ng GMA 7.

Hindi na muna nang nagbigay ng reaksyon ang mga top executives ng GMA 7, pero nagbigay lang sila ng statement kaugnay dito.

Narito ang maikling statement na ipinadala mula sa Corporate Communications ng GMA 7.

 “GMA Network has not yet received a copy of the complaint filed by Mr. Aljur Abrenica. A statement will be issued when we have received and reviewed the contents of the complaint.”

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BEST ACTRESS

CINEMALAYA X

COMEDY CONCERT QUEEN

CORPORATE COMMUNICATIONS

DIAMOND STAR

DINGDONG DANTES

DIREK

DIREK NICK OLANKA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with