^

PSN Showbiz

Miguel at Bianca hindi na halos natutulog!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parang hindi puyat sa taping ng Niño  sina Mi­guel Tanfelix at Bianca Umali dahil masigla at ma­­sa­ya pa rin silang nakipagkuwentuhan  sa mga re­porter na bumisita sa taping ng Ismol Family last Tuesday.

Alas-dos ng madaling araw last Tuesday natapos ang mga eksena ni Bianca sa Niño at ala-sais ng umaga naman na-pack-up si Miguel, umuwi lang sila ng bahay, naligo, nagpalit ng damit at nag-report na sa taping ng Ismol Family. Nagbiruan silang hindi na sila naligo at dumeretso sa taping ng sitcom.

Tila lalo pang sumigla at natuwa sina Miguel at Bianca sa balitang maganda ang rating ng Niño. Tama kung ganu’n ang sinabi ni Direk Maryo J. delos Reyes na sinusubaybayan pa rin ang inspirational serye dahil nauna silang umere at may pundasyon na sila.

Ang ginagawa pala ni Miguel para hindi kumawala sa karakter niyang mentally-challeged, pag-uwi, umaarte pa rin siyang kapos ang pag-iisip and it works dahil ang husay niya bilang si Niño.

Breather kina Miguel at Bianca ang Ismol Family at dahil sitcom, magaan ang kanilang mga eksena at dito sila may time magkuwentuhan at makipagtawanan sa kanilang mga kasama.

Samantala, magkakasamang makiki-fiesta sina Miguel, Bianca, at Julian Trono sa Sandugo Festival ng Tagbilaran City, Bohol sa Sunday, July 27. Tampok din sila sa Kapuso Fans’ Day, 7:00 pm., sa Bohol Wisdom School Gymnasium.

Network war nagkaisa para sa OPM

Nakitang suot ang T-shirt na may nakasulat na “Loud and Proud” si Prof. Ryan Ca­yabyab sa presscon ng 2014 Philpop para ipaalam na bukas, July 26, na ang Grand Finals sa Meralco Theater. Ang Loud and Proud ang motto ng Philpop this year dahil gusto nilang mag-ingay at gusto nilang i-push ang OPM music.

Star-studded ang interpreters ng 12 entries ng Phil­pop this year na kinabibilangan ni Kyla (Sal­babida ni Jungee Marcelo), Nikki Gil (Babalikan Mo rin Ako ni Soc Villanueva), Tom Rodriguez (Langit Uma­a­wit ni Toto Sorioso), Aldrich Talonding at James Bucong (Awit Mo’y Nandito Pa ni Toto So­rioso), Kiana Valenciao (Dear Heart ni Mike Villegas), Lui;gi D’ Avola (No Girlfriend Since Break ni Davey Langit).

Masaya si Prof. Ryan dahil this year, involved ang artists ng ABS-CBN at GMA 7, walang network war at lahat tumutulong para maging succesful ang grand finals at para ma-push na rin ang OPM.

Enchong first choice talaga sa Princess…

Hinanap namin sa presscon ng Once A Princess sina Mother Lily at Roselle Monteverde dahil sabi ng huli sa contract signing ni Ellen Adarna sa Regal Entertainment, dadalo sila sa presscon dahil co-producer sila ng Star Cinema sa pelikula ni direk Laurice Guillen na showing sa August  6.

Pero wala sina Mother Lily at Roselle Monteverde, busy siguro o ipinaubaya na sa Star Cine­ma ang promo ng movie na tampok ang love triangle nina Enchong Dee, Erich Gonzales, at JC de Vera.

Ipinauna na ni direk Laurice na may mga eksena sa libro na sinulat ni Angel Bautista na hindi naisama sa pelikula.

Nabanggit ni Angel na inspired ang Once A Princess sa isang eksena sa favorite book niyang Gone With The Wind. Si Enchong daw agad ang naisip niya sa karakter ni Leonard nang sabihin sa kanyang gagawing pelikula ang libro niya.

vuukle comment

BIANCA

DAHIL

ISMOL FAMILY

MIGUEL

MOTHER LILY

ONCE A PRINCESS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with