^

PSN Showbiz

Mga artistang magkarelasyon dapat gayahin sina Rocco at Lovi

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Oh eh ‘di mas masaya ngayon sina Rocco Nacino at Lovi Poe dahil umamin na sila. Hindi na sila kailangan pang magkubli at magtago sa kung anumang relasyon meron sila. At hindi naman naapektuhan ang karera nila’t imahe sa ginawa nilang pag-amin. Hindi ko nga alam kung bakit ang daming artista ang nagtatago ng kanilang relasyon. Tuloy nahihirapan sila, nagugulo. Mag-come out na lang kayo para maging payapa ang buhay ninyo.

Bianca masaya kahit ulilang lubos

Maswerteng maituturing si Bianca Umali dahil kahit ulila siyang lubos ay may family members siyang kumukumpleto sa kanyang buhay. Bukod sa kanyang lola, meron din siyang mga tiyahin at pinsan na kasama niyang namumuhay, at suwerteng wala silang nagiging alitan.

Sa halip na pagsamantalahan siya dahil kumikita siya, suportado nila siya at tinutulungan sa paggastos ng kanyang kita. Katulong din niya sila sa mga gastusin sa bahay. You’d think na dahil artista siya ay ipamamahala na nila sa kanya ang gastos, pero nagtatrabaho rin sila at humahati sa gastusin sa bahay. Kaya naman masaya at kuntento si Bianca sa kanyang buhay.

vuukle comment

BIANCA

BIANCA UMALI

BUKOD

KATULONG

KAYA

LOVI POE

MASWERTENG

ROCCO NACINO

SILA

TULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with