^

PSN Showbiz

James ayaw ikumpara kay Kris

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kahit anong pangungulit ang gawin kay James Yap, ayaw niyang patulan ang pagtatangka ng media na pag-awayin sila  ni Kris Aquino dahil lang mayro’n silang ini-endorsong magkaibang  mobile phones. Bagaman at matagal nang endorser si Kris ng Cherry Mobile, ngayon lamang magsisi­mula si James na ipromote ang ZTE mobile phones na makatapos ang NBA pla­yer na si Chandler Parsons, ay siya naman ang kinuha ng Taiwan-based group na kumpanya na gumagawa ng mobile phones para palaganapin ang ka­nilang cell phone. Sa bansa, magsisi­mula na ngang makita ang sikat na basketbolista sa mga TVC ng ZTE. Magkakaro’n din sila ang mga billboards sa mga pangunahing lansangan  ng Metro Manila at mga print ads.

Nagsimula na ng kanyang principal photo shoot ang ex ng presidential sister. Ayaw na niyang sasagutin kung alin sa mobile phones na ini-endorso nila ang mas magaling at mas mahusay na gamitin, dahil masaya siyang nagkabati na sila ng Queen of all Media. Hindi rin niya sasabihin kung gaano kalaki ang talent fee na ibinigay sa kanya ng ZTE para maging endorser nito, pero sinabi niya na hiningi na agad ng kanyang ama ang bagung-bagong unit na ginagamit niya  dahil mas madali itong gamitin kaysa sa dati nitong gamit na CP.

Napatunayan na rin nito na maganda itong ipanguha ng litrato. Hindi ito mag­huhuli sa mga professional cameras na ginagamit ng maraming photo­grapher sa kanilang trabaho.

Ang mga ginamit na larawan sa audio-visual presentation sa formal launching ni James bilang i­mage model ay kuha ng ZTE mobile phone na may ilang taon na rin na in operation sa bansa.

Anak ni Janice, babaeng John Estrada

Ang kanyang misis na si Pris­­cilla Mireilles na pala ang nag­ma­maneho sa karera ni John Es­­trada. Kasama niya ito sa hu­ling presscon ng Trophy Wife ba­­gaman at hindi ito lumalantad at nagkakasya nang nasa background lamang siya.

May magandang role si John sa nasabing pelikula ng Viva na kung saan ay  kasama niya sina Derek Ramsay, Cristine Reyes, at Heart Evangelista. Sa movie, niloko ang character niya ng character na ginagampanan ni Cristine.

Dahil sa pag-aartista ng anak na si  Inah, hindi maiwasan ni John na makipag-usap sa kanyang ex wife na hindi naman nagkakait ng kanyang panahon para sa kapakanan ng kanilang anak. Hinding-hindi maitatanggi na anak niya dahil babaeng John Estrada ito. Mas kamukha ito ni John kaysa ng inang si Janice de Belen. Kahit na nasa hustong gulang na ang anak ay panay ang alalay nila ni Janice.

Kathryn at Daniel nagpakilig, Richard at Dawn nagpaiyak

Hindi lamang ang love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang dahilan kung bakit mas dumarami pa ang pumipila sa takilya sa mga sinehang pinaglalabasan ng pelikulang She’s Dating the Gangster, kundi ang maganda nitong istorya na nakaaaliw nang lubos at magandang nagampanan ng pinakasikat na teen royalty. Kung inaakala n’yo na patatawanin lamang kayo ng dalawa sa kanilang mga pagpapa-cute, paiiyakin din kayo nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa napakaikli nilang pagkakasali sa pelikula. ‘Yung katabi kong nanonood ay gandang-ganda kay Kathryn at guwapung guwapo kay Daniel. Come to think of it, matagal ko nang napapanood ang dalawa, pero bakit parang sa pelikula ay gumanda sila at gumwapo nang husto?

Hindi mo mapipintasan ang pag-arte ng magka-love team dahil hindi naman right vehicle ang pelikula para magmagaling sila sa pag-arte.  Kina Richard at Dawn na-assign ang magpaiyak ng manonood, pero magpipiyesta ka sa saya na hatid ng dalawang bida  at ang magandang tulong ng kanilang support cast. Maraming malaking artista ang nag-cameo role at maa-appreciate mo ang presence nila dahil markado at maganda. Mas lalaki pa ang kita ng pelikula  sa pagdaan ng mga araw dahil maganda ito at talagang nakakatuwa!!!

vuukle comment

CHANDLER PARSONS

CHERRY MOBILE

DAHIL

JANICE

JOHN ESTRADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with