^

PSN Showbiz

Nikki at Coleen hindi kayang magtsikahan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

May ilan-ilan pa ring nag-uusap tungkol sa pag-iisnaban nina Nikki Gil  at current girlfriend na si Coleen Garcia ng ex-boyfriend niyang si Billy Crawford sa isang trade event sa Subic recently.

Nikki admits that nakapag-move on na siya sa break-up nila ni Billy na isang taon na rin ang nakararaan. Meron na siyang bago na non-showbiz guy.

Bukod sa ASAP, si Nikki ay kasama sa cast ng family-oriented TV drama series na Hawak Kamay na pinangungunahan nina Piolo Pascual at Iza Calzado.

Maja ready na makatrabaho si Matteo

Ang isa sa mga gustung-gusto ni Matteo Guidicelli sa kanyang nobyang si Sarah Geronimo ay ang pagiging grounded nito.  Never umano niyang naramdaman na big star ang kanyang girlfriend dahil sa pagiging simple at humble nito.

Walang problema si Sarah sa ex-GF ni Matteo na si Maja Salvador na nobya naman ngayon ni Gerald Anderson na minsan ding na-link sa Pop Princess. In good terms na rin si Maja sa kanyang (dating) best friend na si Kim Chiu na ex-GF naman ng boyfriend ngayon ni Maja na si Gerald. Kaya everyday happy.

 “Mas magaan ang pakiramdam kung lahat masaya,” ani Maja.

Wala ring magiging problema kay Maja kung muli silang magkakasama sa trabaho ng kanyang ex-boyfriend na si Matteo.

Matapos ang mahigit isang dekada, Janice at John winakasan na ang awayan

Matagal ding nagkaroon ng gap ang estranged couple na sina Janice de Belen at John Estrada na nagkahiwalay noong 2001 and it was only recently na muling nag-uusap ang dating mag-asawa at ito’y may kinalaman sa kanilang mga anak.

Pumasok na rin sa showbiz ang panganay na anak nina Janice at John na si Inah na nasa pangangalaga ngayon ng Star Magic at nariyan ang kanyang mga magulang para sila’y gabayan.

In his recent interview with Boy Abunda and Kris Aquino sa Aquino and Abunda Tonight, inamin ni John na isa umano siyang protective at selosong ama laluna sa kanyang panganay na si Inah na pumasok na rin sa mundong ginagalawan nila ni Janice.

Si John ay may isang anak na babae, si Anechka sa kanyang present wife, ang dating Miss Earth na si Priscilla Meirelles kung saan malapit ang kanyang apat na anak kay Janice.

Still on John, para siyang si Albert Martinez na hindi nawawalan ng proyekto sa bakuran ng Kapamilya Network.

Personal…

Belated happy birthday sa brother kong si Mario Amoyo last July 22.  All the best on your birthday.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BILLY CRAWFORD

BOY ABUNDA

COLEEN GARCIA

JANICE

KANYANG

MAJA

MATTEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with