^

PSN Showbiz

Ryan may bagong anak na inaalagaan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Para talagang mag-ama sina Ryan Agoncillo at Marc Justine Alvarez nang maabutan namin sa taping ng Ismol Family. Magkatabi sila sa breaktime at parang matagal nang nagkukuwenuhan kasama si Bianca Umali.

Habang ini-interview si Ryan, lumapit si  Marc at nagpakarga sa TV host-actor at naalala nitong bago pa man nila gawin ang Ismol Family, nagkita na sila ni Marc. Hindi pa naman daw nagseselos si Lucho na mapanood siya sa TV na may anak at si Yohan ay naiintindihan na trabaho lang ang kanyang ginagawa, kaya puwede siyang maging sweet sa mga gumaganap niyang anak sa TV man o pelikula.

Natutuwa si Ryan sa good feedback ng televiewers sa Ismol Family at hindi naman daw nalalayo ang rating ng show sa katapat at every week, tumataas ang ratings nila. Magaan gawin ang sitcom, masaya ang mga kasama at magaan magpatakbo si Direk Dominic Zapata ayon pa kay Ryan.

Malabo nga lang na makapag-guest si Judy Ann Santos sa sitcom dahil may exclusive contract ang asawa sa ABS-CBN. Sa story, lumalabas na favorite actress ng karakter ni Carla Abellana si Judy Ann at nabanggit na ang pangalan ni Judy Ann sa show.

Sabi pala ni Ryan na hindi na sila papayag ng asawang si Judy Ann Santos na magtapat ang kanilang shows. Nag-usap na silang dalawa tungkol dito at kung mauulit, isa sa kanila ang iiwas. Tama nang minsang nagkatapat ang show niya sa GMA 7 at show ni Judy Ann sa ABS-CBN.

Naibalita rin ni Ryan na plano nila ni Judy Ann na magprodyus ng pelikula at kinausap na nila sina directors Joey Reyes at Joyce Bernal na magdirek kung matutuloy ang plano nila.                       

Aktres ilag na ilag, Derek sob­rang lagkit ng titig sa ex na si Cristine

Ang body language nina Derek Ramsay at Cristine Reyes sa final presscon ng Trophy Wife ang i­nobserbahan ng mga reporter. Late dumating ang aktor at bineso niya si Cristine, pero pagkatapos noon, parang lumayo ang aktres sa ex-boyfriend. Kahit magkatabi ang upuan, kita ang gap sa pagitan nila.

Gaya sa unang presscon, sobra rin kung titigan ni Derek si Cristine tuwing nagsasalita ang aktres, mabuti at hindi ito na-conscious. Noong sabihin ni Cristine na gusto na niyang tumigil sa paggawa ng sexy movie dahil nahihirapan na siya sa too much attention na ibinibigay sa kanya ng kalalakihan, nakinig at lalong tinitigan ni Derek ang dalaga.

May spoiler alert si Derek sa Trophy Wife na showing sa July 30 sa direction ni Andoy Ranay. May eksena si Cristine na parang eksena ni Sharon Stone sa Basic Instinct na nag-cross ng legs na walang suot na panty. Sinaway lang ang aktor ng scriptwriter na si Keiko Aquino na ‘wag ikukuwento ang buong eksena, kaya hindi nalaman kung wala ring panty si Cristine.                                                                                 

Hindi naman nagtagal sa presscon si John Estrada dahil may appointment ito at sinundo ng asawang si Priscilla Meirelles. Sayang at hindi yata narinig ni Priscilla ang sinabi ni John na trophy wife siya in a positive way at total package pa!

Paulo inaabangan kung sisiputin ang birthday ng anak nila ni LJ

Birthday ngayon ni Aki, anak nina LJ Reyes at Paulo Avelino at sabi ng aktres sa pa-presscon ng GMA Artist Center sa talents nilang may entry sa 2014 Cinemalaya, may dinner lang sila sa bahay na pamilya at close friends ang imbitado. Nakalimutan naming itanong kung dadalo si Paulo, pero siguro naman, darating ito.

Sa Sunday, aalis sina LJ at Aki for Hong Kong para roon i-celebrate ang birthday ng four-year old na anak at hanggang Wednesday sila roon, kasama ang 15 friends. Sagot ng mother ni LJ ang pagpunta nila sa HK Disneyland at si LJ, balak regaluhan si Aki ng soccer ball at goal dahil ito ang hilig ng bata.

Samantala, very proud si LJ na mapasama sa The Janitor, entry ni director Mike Tuviera sa Directors’ Showcase Category sa Cinemalaya. Ginagampanan niya ang role ni Melba, asawa ni Dennis Trillo na first time niyang makasama sa pelikula.

Naninigaw kasi nang naka-mic, Jeric takot kay Direk Joel

Makapagmamalaki ang GMA Artist Center talent na si Jeric Gonzales na early in his career, nakatrabaho niya si Nora Aunor. Kasama ang young actor sa cast ng Hustisya bilang apo nito, kaya madalas silang magka-eksena.

 Nagulat si Jeric kay Nora dahil sobrang simple lang sa shooting at hindi umaarteng Superstar. Ikinatuwa rin ni Jeric na sa presscon ng Cinemalaya at sa red carpet sila pababa ng stairs ng CCP, tinawag siya ni Nora at pinatabi sa kanya. Kaya sa mga litrato, sila ni Rocco Nacino ang katabi ni Nora.

Kakaibang experience rin kay Jeric ang maidirehe ni Joel Lamangan, sobrang strict daw ang director at kailangang alert ka at nakikinig sa instructions para hindi masigawan na naka-microphone pa.

Kasama rin si Jeric ni Nora sa Dementia na may September playdate at sa direction ni Perci Intalan. Sa Batanes sila nag-shoot at isang Ivatan ang kanyang role at dahil maputi, pinaitim siya.

Ang wish ni Jeric magkaroon na uli siya ng regular TV show sa GMA 7 dahil almost one year na siyang walang show. Sa mga workshop muna siya busy ngayon habang wala pang show para may ginagawa siya.

vuukle comment

CRISTINE

DEREK

ISMOL FAMILY

JERIC

JUDY ANN

NORA

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with