^

PSN Showbiz

Mga seksing eksena ni Cristine hindi puwede sa TV

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Dalawa ang red carpet premiere ng Trophy Wife sa July 29, 6:00 pm sa Glorietta Cinema, Makati City at 8:00 pm sa SM Megamall Cinema.

Holiday sa July 29 kaya hindi magiging problema sa mga artista ng Trophy Wife ang paglalagari. Unang pupuntahan nina Derek Ramsay, Cristine Reyes, John Estrada at Heart Evangelista ang Glorietta Cinema , saka sila pupunta sa SM Megamall Cinema.

Ipinagmamalaki ng Trophy Wife stars na kakaiba ang kuwento ng kanilang pelikula na pinaghalo na suspense/thriller at adult drama.

Dalawa rin ang trailer ng Trophy Wife dahil hindi naman puwedeng ipalabas sa mga sinehan at TV ang sexy scenes ng pelikula  ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa July 30.

Sen. Chiz binira ni Robin, papogi lang daw ang alam

Sa Sabado pa kami magkikita ni Heart Evangelista sa studio ng Startalk kaya hindi ko pa malalaman ang sagot at reaksyon niya sa social media post ni Robin Padilla.

Pinag-uusapan ang social media post ni Robin dahil sikat na aktor siya at patungkol kay Senator Chiz Escudero ang kanyang mensahe.

Waiting ang mga sumusubaybay sa isyu sa magiging sagot ni Papa Chiz sa social media post ni Robin na walang takot na nag-dialogue na walang kredibilidad at papogi lamang ang boyfriend ni Heart. Ito ang eksaktong sentimyento ni Robin laban kay Papa Chiz.

“Ang senador na ito ay walang kredibilidad sa usapin na kanyang i­binabandera sapagkat noong sinalanta ni Yolanda ang Tacloban at ang mga taong naghihikahos ay lumusob sa mga department store sa gutom at pagkagimbal, ano ang kanyang kagyat na pahayag laban sa mga kababayan nating biktima ng sari-saring kalungkutan at kamatayan ‘Hulihin ang mga ‘yan at dapat managot sa batas’. Mga kababayan, ‘wag na po tayong magpabola sa mga Senador na ito. Isa itong papogi lamang.”

Sisikapin ng PSN (Pilipino Star Ngayon) na kunin ang sagot ni Papa Chiz sa diretsahan na batikos at paghusga sa kanya ni Robin.

Renz parang si Daboy kung mag-alaga

Napatunayan ang pagiging mabuting anak at kapatid ni Renz Fernandez sa ilang linggo na biyahe namin sa Europe.

Maasikaso, mabait at mapagmahal na kapatid si Renz. Summer season ngayon sa Europe kaya usong-uso ang sakit. Si Renz ang nag-alaga sa kanyang nanay na si Lorna Tolentino at kapatid na si Rap nang dapuan ng summer flu ang dalawa.

Pati ako, asikasong-asikaso ni Renz as in hindi siya naba-bother sa kakulitan ko ‘ha? Nakita ko kay Renz ang ugali ng kanyang tatay na si Rudy Fernandez na mapagmahal din na asawa at ama.

Masuwerte ang girl na mapapangasawa ni Renz.
At dahil tapos na ang aming short vacation sa Europe, back to work na si LT at ako. Magre-resume na si LT ng taping para sa My Destiny ng GMA 7 at rarampa na uli ako sa mga presscon.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

GLORIETTA CINEMA

HEART EVANGELISTA

MEGAMALL CINEMA

PAPA CHIZ

RENZ

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with