^

PSN Showbiz

Kris butata talaga sa aktor: Derek pakakasalan na raw ang non-showbiz GF?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ay may non showbiz girlfriend na pala si Derek Ramsay at seryoso na raw ito sa relasyon. Ang balita nung isang nagkuwento, malamang na ito na ang pakasalan ng aktor. At inaamin na raw ito ni Derek. 

Sayang dahil during the presscon of Trophy Wife the other night, hindi namin ito naitanong sa kanya. Ang pinasasagot kasi sa kanya ay kung ano ba talagang status ng relasyon nila ni Kris Aquino na hindi matapos-tapos ang pagli-link sa kanila dahil nga panay ang labas nila.

Inulit lang niya na friends pa rin ang set up nila ng presidential sister na hindi lang naman sa kanya malapit kundi sa kanyang buong pamilya.

Anyway sa presscon ng Trophy Wife, ang lagkit-lagkit ng titig ni Derek sa ex girlfriend niyang si Cristine Reyes na katabi niya sa presidential table. As in, para bang gusto niyang lunukin ng buong-buo ang sexy actress habang nagsasalita. Kaya naman si Cristine parang nako-conscious. Lalo na nga’t nagdeklara siyang pagod na siyang pag-ilusyunan ng mga kalalakihan.

Maging si Ma’am Charo Santos daw ay na-advice na niya tungkol sa plano niyang pag-iiba ng image. Pinag-uusapan na raw ang programa niyang galing naman niya sa acting ang lulutang.

By the way, showing na sa July 30 ang Trophy Wife for Viva Films.

Gabby anim na oras itinali ang ari

Wala nang gall bladder si Gabby Eigenmann na kilala ngayong Dading. Pero binutasan lang siya, hindi biniyak. Sampung gall stones ang nakuha sa kanya na kasing laki nang buto ng sampaloc.

Napaaga lang ang operasyon niya ng one week dahil namaga na ang kanyang gall bladder. “Sumakit ang tiyan at likod ko. Every 2:00 a.m for three straight days, talagang ang sakit,” recalled Gabby nang makatsika namin kahapon sa taping ng kanyang pinagbibidahang afternoon beki-serye na Dading.

Steak ang nag-trigger sa napaaga niyang operation.

Ngayon nag-iingat na siya sa pagkain. “Nakakatakot kasi liver na ang nagpa-function. I hardly drink naman,” say niya nang tanungin na baka naman nagbibisyo siya kaya nagkaroon ng gall stones.

Dahil nga one week siyang naospital, tuhog ang taping nila ng Dading para sa week 7,8,9.

Kasama sa kinunan ay ang beauty contest kung saan kasali si Dading. Dahil beauty contest, kailangan niya munang itali si ‘junjun’ para ma-flat ang harap niya. “Ang hirap. Ang sakit, hindi ako makaupo. Naka-heels pa. Sabi ko nga sa mga kasama ko sa eksena, ‘paano n’yo natitiis ito.’

“Two hours pa akong nag-make up. So six hours naipit si ‘junjun,’” sabay tawa ni Gabby na talagang aakalain mo ngang bading kung hindi lang siya may asawa at apat na anak na.

Bukas, Friday lalabas ang nasabing eksena na talaga raw nag-effort siyang maging makatotohanan ang kanyang pagiging ‘beauty queen.’ “Nagmukha naman daw akong babae.”

Very proud siya sa character dahil ultimo sa mall ay pinagbubulungan na siya at sinasabing ‘uy bading nga.’ Natatawa na lang ang aktor kahit na nga kasama niya ang kanyang pamilya.

First time niya nagbida sa Dading. “Refreshing. New breeze. Ang sarap ng feeling na inaapi,” nakangiting kuwento ng aktor.

So after Dading, tatanggap pa ba siya ng support roles?

“Hindi ko naman ito ini-expect. Ang sarap ding maging kontrabida. I’m a character actor,” sabi niya na medyo confused kung paano ang magiging role niya after nga nitong Dading na in fairness ay isa sa may pinakamataas na ratings ng GMA sa kanilang Afternoon Prime.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

CHARO SANTOS

CRISTINE REYES

DADING

DAHIL

DEREK

NIYA

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with