^

PSN Showbiz

Dennis wala ngang malay na nag-iba na ng apelyido ang dalawa pang anak

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Narinig na namin noon ang balitang nauna nang nagpalit ng apelyido ang ibang kapatid ni Julia Barretto kaya tinanong namin si Dennis Padilla kung na-check ba niya kung dala pa rin ng iba niyang anak kay Marjorie Barretto ang apelyido nito.

Sagot ng komedyante: “I believe ginagamit pa rin ni Leon sa Ateneo ang Baldivia, and Claudia I believe na Baldivia pa rin ang ginagamit niya sa Everest International School.

 “Sa ngayon hawak ko ang NSO copy ng birth certificate ng tatlong bata, Julia, Claudia and Leon. Lahat naman ‘yun pa rin ang pangalan nila, walang changes.”

PAK : Ewan ko kung itutuloy ng sikat na drama actress ang paglipat ng TV network.

Malapit nang matapos ang kontrata niya, at pinag-iisipan nitong subukang lumipat kung wala pang plano ang TV network nito ‘pag natapos na ang sikat niyang programa.

 Wala pa naman daw siyang final na decision, depende sa alok ng isang TV network na posibleng lilipatan niya.

Kung matutuloy ito, malaking pagbabago ito sa career ni sikat na aktres.

BOOM : Baka matuloy na rin ngayong araw ang story conference ng bagong drama series na pagtatambalan nina Raymart Santiago at Jennylyn Mercado.

Balak na rin kasi ni Raymart na magsalita para maipaliwanag itong kumalat na litrato ni Claudine Barretto na may mga pasa sa mukha.

Napag-alamang kalilipat lang ni Claudine sa          GMA 7 nun at doon siya dumaan sa surgical operation ng mukha na ang duda namin nagpa-lipo ito.

Ang suot ni Claudine sa litratong may mga pasa sa mukha at tinakpan ng make-up ay pareho sa guesting niya sa Showbiz Central na kung saan binigyan siya ng grand welcome sa GMA 7.

Halatang maliit ang mukha niya roon at kapareho nung kuhang ipinost ni Atty. Ferdie Topacio sa kanyang Twitter account.

Sinubukan naming interbyuhin si Claudine kahapon, pero may flu raw ito sabi ni Atty. Topacio.

 

vuukle comment

BALDIVIA

CLAUDIA AND LEON

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS PADILLA

EVEREST INTERNATIONAL SCHOOL

FERDIE TOPACIO

JENNYLYN MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with