^

PSN Showbiz

Rocco at Lovi hindi na nagtanungan sa kanilang mga ex

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Kitang-kita sa aura Rocco Nacino ang pagka-in love kay Lovi Poe nang makatsika namin siya kahapon sa pa-presscon ng GMA Artist Center para sa mga alaga nilang may pelikulang kasali sa gaganaping Cinemalaya Film Festival.

Aliw ang Kapuso actor sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa girlfriend na almost a year niyang niligawan bago nasungkit ang ‘yes’ ng aktres na ibinigay pa habang sila ay nasa Eiffel Tower sa Paris, France.

Lalo pang nagpasaya sa kanya ay nang aminin ni Lovi na sila na nga na hindi naman nito usually ginagawa.

Pero nagkaroon ba sila ng ‘accounting’ kung pang-ilang BF na siya  ni Lovi and vice versa?

“Hindi, wala na kaming ganung pinag-usapan. Pero sinabi ko rin naman sa kanya noon na may mga naging girlfriend ako,” sabi ng aktor na natatawa.

At noon palang mag-tour sila sa Europe ni Lovi, 50/50 sila ng gastos. “Halimbawa ako ang gagastos today, the following daw siya naman. Ganun. Saka sa lahat naman, nag-agree kami na share-share kami,” sabi ng aktor.

Anyway, hindi na kinailangang mag-audition ni Rocco sa pelikulang Hustisya na pinagbibidahan ni Superstar Nora Aunor. Siya ang kinuha sa pelikulang kasali sa Cinemalaya.

Lawyer ang role niya na may confidence kaya madalas niyang kaeksena si Ate Guy.

Nasa bucket list daw niya ang maka-trabaho ang aktres kaya talagang nagpapasalamat siya ang napili for the role.

Ngayon daw, textmate na sila ng superstar at anak ang tawag sa kanya. Noon ngang bumabagyo, nag-text ang superstar at pinaalalahanan siyang ‘wag lalabas ng bahay at mag-iingat dahil nanalasa ang bagyong Glenda.

Nagpapasalamat s­iya at kahit hindi pa siya beterano ay nakita niya ang importance sa kanya at iba pang kasama nila sa movie ni Ate Guy.

Nagso-shooting sila nang pumutok ang balita tungkol sa pagkalaglag ni Ate Guy bilang National Artist. At ayon kay Rocco kalmado naman ito at wala silang nakitang apektado ito sa shooting nila.

Si Direk Joel Lamangan ang director ng Hustisya na isa pang ipinagpapasalamat ng aktor.

By the way, bukod sa Hustisya, magiging abala na si Rocco sa seryeng Hiram na Alaala na pagbibidahan nila nina Dennis Trillo and Kris Bernal.

vuukle comment

ARTIST CENTER

ATE GUY

CINEMALAYA FILM FESTIVAL

DENNIS TRILLO AND KRIS BERNAL

EIFFEL TOWER

HUSTISYA

LOVI

LOVI POE

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with