^

PSN Showbiz

Julia naiipit sa ginawa ni Marjorie

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

People sympathize with comedian Dennis Padilla dahil sa pag-aalis ng apelyido niyang Baldivia sa family name ng kanyang mga anak sa ex-wife niyang si Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, at Leon na pare-parehong nasa poder ng ina magmula nang sila’y maghiwalay.

While Dennis admits na hindi na siya nakakapagbigay ng financial support sa kanyang tatlong anak for the last three years dahil sa kawalan ng proyekto, hindi naman daw ito dahilan para tuluyan nang ibasura ang kanyang apelyido ng kanyang tatlong anak kay Marjorie.

Ang dalawa pang anak ni Marjorie sa ibang karelasyon na sina Alexandra Nicole at Aynrand Daniele ay parehong Barretto ang tangan lalupa’t hindi naman kasal si Marjorie sa mga ama ng dalawang bata.

Of course, hindi naman ang mga anak nina Dennis at Marjorie ang nag-desisyon na palitan ang kanilang apelyido to Barretto kundi ang ang kanilang ina na si Marjorie para iisa nga naman ang tangan na family name ng kanyang limang anak.

Claudine nakakahinayang

Hanggang ngayon ay masalimuot pa rin ang nangyayari sa ex-couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto na kamakailan lamang ay ‘nagkabati’ na may kinalaman sa kustodiya ng kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino.

Hangga’t walang intention si Claudine na iurong ang kanyang demanda laban sa dating mister, hindi sila pareho magkakaroon ng katahimikan at ang po­breng mga anak nila ang tiyak na apektado.  Ma­labo ring makapag-move on si Claudine dahil puno pa rin ng galit ang kanyang puso hindi lamang sa kanyang ex-husband na si Raymart kundi maging sa dalawa niyang nakatatandang kapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto.  Ang negative effect nito ay kay Claudine din tumatama.

Kung magiging forgiving person lamang si Claudine, madali siyang makakapag-move on at maaasikaso na niya ang kanyang napabayaang karera.

Sa totoo lang, Salve A., marami ang nanghihina­yang kay Claudine dahil isa siyang mahusay na aktres sa kanyang henerasyon.

LJ gusto na ring makahanap ng lalaking pamalit kay Paulo

Gusto ni LJ Reyes na maging magkaibigan sila ng kanyang ex-boyfriend at ama ng kanyang four-year-old son na si Ethan Akio or Aki na si Paulo Avelino hindi lamang dahil sa kanilang anak kundi dahil iisa ang mundo na kanilang ginagalawan.

Tanggap na ni LJ na hindi sila meant para sa isa’t isa ni Paulo at umaasa siya na balang araw ay mahahanap din niya ang tamang guy para sa kanya na willing ding mahalin ang kanyang anak.

May bagong sisimulang serye si LJ sa GMA, ang TV remake ng Yagit at may bago siyang indie movie na kalahok sa Cinemalaya, ang The Janitor. Three years ago, nakuha ni LJ ang kanyang first acting award mula sa Cinemalaya para sa pelikulang The Leaving.

Alonzo carbon copy ng amang si Niño

Marami ang humuhula na ang bunso ng dating Child Wonder na si Niño Muhlach, ang four-year-old na si Alonzo Muhlach ang bagong lulutang na pinakabagong child star.  Hindi lamang dahil kamukhang-kamukha ito ng kanyang ama when he was his age kundi kuhang-kuha rin nito ang pagkabibo ng ama.

Ibinalita sa amin ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad na pasok na si Alonzo sa Metro Manila Film Festival movie nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon, ang My Big Bossing’s Adventures na isang trilogy.  Mapapasama si Alonzo sa isang episode na ididirek mismo ng box-office director na si Joyce Bernal.

vuukle comment

ALEXANDRA NICOLE

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANAK

CLAUDINE

KANYANG

MARJORIE BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with