^

PSN Showbiz

Hindi pala talaga binugbog ni Raymart ebidensiya nang pagpaparetoke ni Claudine lumutang

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagsimula nang mag-taping ang bagong drama series ng GMA 7 na tinatampukan nina Dennis Trillo, Kris Bernal at Lauren Young na pinamagatang Hiram na Alaala.

Sa taping nito kahapon, nagtataka si Dennis kung bakit may ku­malat na kuwentong nakitang magkasama raw sila ni Jennylyn Mercado sa Oakwood nung kasagsagan ng bagyong Glenda nung nakaraang linggo.

Okay naman daw sila ng dating kasintahan dahil nagkikita sila sa Sunday All Stars.

Sabi naman ni Jennylyn, wala naman daw siyang problema sa mga ex-boyfriend niya at as much as possible, naging kaibigan niya sana ang mga ito. Pero hindi pa raw siya handa sa ngayon na maging friend si Luis Manzano.

PAK : Dahil sa isyung change of name na ipinarating ni Julia Barretto sa korte, naungkat tuloy ang kuwentong pagkakaroon ng asawa ni Dennis Padilla sa ibang babae bago siya nagpakasal kay Marjorie Barretto.

Pero nilinaw ng komedyante na aware si Marjorie tungkol sa u­nang asawa niya, kaya lang hindi naman daw ito naka-record sa NSO.           

Sabi nito; “Before we got married ni Marjorie, we even seek a certificate from NSO of no record.”

Kaya malinis daw ang record nito bago siya nagpakasal. Nagulat na lang daw siya  nung 2006 biglang napa-rehistro na at late registration pa nga raw ito.

Hindi raw niya alam kung sino ang nagparehistro sa NSO.

Hindi naman daw iyun ang dahilan ng hiwalayan nila ni Marjorie. Nang tinanong namin  ang aktor kung ano nga ba ang dahilan nang hiwalayan, ayaw na niyang sagutin.

Ang focus daw nila ngayon ay ang tungkol sa change of name ni Julia at hindi na ang kung ano mang namagitan sa kanila ni Marjorie.

BOOM: May nakuha kaming litrato ni Claudine Barretto nung magkasama sila ni Raymart Santiago, na may benda ang mukha nito.

Ito bale ang sagot sa mga ipinost ni Atty. Ferdie Topacio na mga litrato ng aktres na may mga pasa sa mukha at lumalabas na battered wife siya.

Lumalabas na sanhi iyun ng mga pambubugbog diumano ni Raymart sa kanyang asawa.

Pero sa mga litratong ipinarating sa  amin mula kay Raymart na kuha ng asawa ni Randy Santiago na si Marilou, iba ang kuwento sa likod ng mga litratong iyun.

Katatapos lang pala ‘yun ng operasyon sa mukha ni Claudine kaya nakabenda ito.

Hindi lang naka-specify kung anong operasyon, maaring lipo o anong procedure, pero malinaw na hindi sa pambubugbog.

Mukha namang masaya silang mag-asawa at walang bugbugang nangyari.

Ayaw nang magsalita pa ni Raymart, pero kayo na lang daw ang bahalang maghusga kung alin ang gusto n’yong paniwalaan.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

DAW

DENNIS PADILLA

DENNIS TRILLO

FERDIE TOPACIO

PERO

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with