^

PSN Showbiz

Katigasan ng ulo pinaiiral kontrobersiyal na aktres naubusan na ng kaibigan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dati pala’y maraming kaibigan at kapwa artista pa ang nagpapayo sa isang kontrobersiyal na aktres na magmedya-medya lang siya sa pagpapakawala ng emosyon. Lagi kasing nang-aaway ang babaeng personalidad na ito, galit na galit siya sa mundo, lalo na sa nakahiwalay niyang mister.

Dahil maraming nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya, idinadaan ng mga ito sa malayuan ang kanilang pakikisimpatya, tine-text nila ang kontrobersiyal na aktres at nakikipagkomunikasyon sa kanya ang mga ito sa pamamagitan ng Facebook.

Pero kapag medyo kumokontra ang kanyang kaibigan ay ibina-block niya agad ito, tinatanggal na sa listahan ng kanyang mga kaibigan sa FB, putol na ang kanilang komunikasyon.

“Ganu’n siya, ayaw niyang may kumokontra sa kanya. Basta hindi niya nagustuhan ang tono ng friend niya, block na agad ‘yun sa FB niya. Napaka-selfish niya, ayaw niyang makinig sa payo ng mga kaibigan niya, matigas ang ulo niya,” kuwento ng aming source.

Nu’ng minsan ay tinawagan siya ng isang kasabayan niyang aktres, maganda ang intensiyon nito, ang pagpayuhan siyang huwag masyadong nakikipag-away at manahimik na lang.

Inaway-away niya ang kaibigan niya, tinalak-talakan niya, sinabihan pa niyang huwag nang tatawag pa uli sa kanya kung wala namang magandang sasabihin sa kanya.

“Halos wala na siyang kaibigan ngayon, itinakwil na yata niyang lahat. Kasi nga, hindi kumakampi sa kanya ang mga kaibigan niya, pinapayuhan siyang manahimik na lang, dahil siya rin naman ang talo sa mga pinaggagagawa niya,” bulong uli ng aming impormante.

Walang napaghihingahan ng sama ng loob ang aktres na ito kundi ang kanyang mga magulang na papikit na lang sigurong nakikiayon sa kanya. Kalaban niya ang kayang mga kapatid, naubos na ang mga kaibigan niya, basta kumokontra sa kanya ay kaaway na niyang itinuturing.

“Kaibigan ka niya kung umaayon ka kahit sa mga ginagawa niyang mali. Kapag kinontra mo siya, block ka na agad sa FB niya, buburahin na niya ang name mo sa cellphone niya, she’ll end up alone and lonely,” konklusyon ng aming source.

Ubos!

Piolo sabit sa pandaramay ng anak sa lovelife

Madali na mahirap intindihin ang posisyon ni Piolo Pascual tungkol sa pakikipagrelasyon. Nu’ng una, ang sinasabi niya ay seloso ang kanyang anak na si Iñigo, ayaw raw nitong may karelasyon siya.

Sinusunod lang daw niya ang hiling ng kanyang anak dahil matagal niya itong hindi nakasama, pagdidiin ni Piolo, kaya isinasakripisyo niya na lang ang personal niyang kaligayahan.

Mahirap unawain ‘yun. Kung talagang gusto mong makipagrelasyon ay gagawin mo ‘yun maintindihan ka o hindi ng ibang tao. Personal mo na kasing kaligayahan ang nakataya du’n, ipaglalaban mo ‘yun, kahit pa makalaban mo ang buong mundo.

Hindi binibili ng publiko ang mga ganu’ng katwiran, lumalabas tuloy na ginagamit lang ni Piolo ang kanyang anak sa hindi pakikipagrelasyon, nagiging kontrabida ang kanyang anak sa mata ng ating mga kababayan dahil sa pagsasangkalan niya kay Iñigo.

Dahil sa mga ibinibigay niyang dahilan ay mas nagkakaroon tuloy ng kakaibang interpretasyon ang publiko, ayaw niyang makipagrelasyon dahil ayaw niya at hindi dahil sa ayaw ng anak niya, ‘yun ang mas malinaw.

Palaging nauudlot ang kaligayahan ni Piolo Pascual. Naunsiyami ang pagmamahalan nila ni KC Concepcion. Naku, ang dami-daming kuwentong nakapaloob du’n. Sangkaterba. Nakakaloka.

Naudlot din ang sinasabi niyang pakikipagmabutihan kay Shaina Magdayao, mas gusto raw muna niyang mag-focus sa kanyang career, ilang taon na ba ngayon si Piolo Pascual?

Kailan pa siya makikipagrelasyon sa isang babae, kung kailan matanda na siya, kung kailan wala na siyang kapasidad na magkaanak?

 

vuukle comment

KAIBIGAN

KANYA

KANYANG

NIYA

NIYANG

PIOLO

PIOLO PASCUAL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with