^

PSN Showbiz

Jolo mag-selos kaya? Jodi inimbita ang dating asawang si Pampi sa concert

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Biyernes na gaganapin ang pinakaaabangang concert ng teleseryeng Be Careful With My Heart sa Araneta Coliseum. Tampok dito ang pangunahing bida na sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Ayon kay Jodi ay inimbitahan din niyang manood ang dating asawa na si Pampi Lacson. Pagpapatunay ito na nananatiling magkaibigan ang dalawa para sa kanilang anak na si Thirdy. “I invited him nga to the concert. Siguro pinag-iisipan pa niya (kung manonood siya). Maayos kami, salamat sa Diyos for Thirdy,” nakangiting pahayag ni Jodi.

Kahit abala ang aktres sa kabi-kabilang mga proyekto ay sinisikap daw niyang maging mabuting ina para kay Thirdy. “Commitment mo iyan at obligasyon mo sa anak mo. Hindi pwedeng ‘Kasi busy ako.’ Hindi siya rason. For example, I know na magiging super busy ako, ini-explain ko sa anak ko na ‘Babe, I will be very busy next week. I hope you understand,’” pagbabahagi ni Jodi. “I communicate with him, I tell him everything tapos he understands naman. I make bawi talaga. He loves to travel so what we do talaga, nag-travel kami sa States. Two weeks kami nandoon. Sinuyod namin ‘yung Disney World. Enjoy na enjoy naman siya. Seeing him happy makes me very happy,” dagdag pa ng aktres.

24 Oras kapos na kapos kay Piolo

May hilig din sa show business ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo. Kahit may mga natatanggap nang offers ay hindi pa raw papayagan ni Piolo ang kanyang anak na sumabak sa ngayon. “There were offers but sabi ko ‘wag na po muna, patapusin ko muna ng pag-aaral. Patapusin muna natin ng high school,” seryosong pahayag ni Piolo. “Ako naman kasi, my only concern is studies. Kasi once na nag-artista na ‘yan, hindi mo na mapipigilan ‘yan eh. And when work gets in the way of course they’ll choose to prioritize work,” giit ni Piolo.

Samantala, pagdating naman sa usaping pag-ibig ay hinay-hinay muna raw ang aktor. Matapos mapabalitang nagkakamabutihan na sina Piolo at Shaina kamakailan ay nanatiling magkaibigan na lamang daw ang dalawa. “Shai and I are good friends eh. She’s friends with my family, I’m friend with hers. I guess mas pinipili lang po siguro namin na i-preserve ang friendship namin,” nakangiting pahayag ni Piolo. Kulang na kulang daw ang oras ng aktor sa lahat ng kanyang mga ginagawa kaya hindi pa niya maisingit ang pakikipagrelasyon. “Siguro lalo na ako dahil hindi ko rin mabibigyan ng oras if ever I’m in a relationship. I have a son, I have a career, I have my life. So, unfair. Sa 24 oras na meron ako sa isang araw, hindi ko po kayang isiksik ‘yun sa isang araw. So I just have to be fair I guess,” paliwanag ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BE CAREFUL WITH MY HEART

DISNEY WORLD

JODI

JODI STA

KAHIT

PIOLO

THIRDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with